MyBlogLogSphere
At ano naman ang kinalaman ng dalawang yun kung maitanong mo? Una ay MyBloglog dahil may ginawa akong isang mashup ng MyBlogLog at Google Maps kung saan makikita mo sa mapa kung saan nakatira yung mga recent readers ng blog mo:D Parang ganito:
At bakit nosebleed? E kasi kelangan kong i-explain ang ginawa ko sa ingles para maintindihan ng mundo:P hehehe. Narito ang about page ng mashup na pinangalanan kong MyBlogLogSphere! Try mo yung ginawa ko, basta may blog ka lang na gumagamit ng MyBlogLog, ayus na. idugtong mo lang ung URL ng blog mo sa dulo ng http://kundiman.net/mybloglogsphere/ para makakakuha ng URL tulad ng:
http://kundiman.net/mybloglogsphere/kundiman.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/idlip.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/kalawakan.info
http://kundiman.net/mybloglogsphere/painuminmoko.idlip.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/komski.awardspace.com
Try mo na, please! hehe:)
E[kwento]MO na!
Ang E[kwento]MO ay ang kauna-unahan at nag-iisang contest upang mangalap ng mga pinakamadadramang blog entries. Manalo ng domain at hosting, sumali, magkwento!
Magbasa ng mga official entries para sa E[kwento]MO: EMO Writing Contest. Kung gusto mo sumali ay basahin ang instructions o tignan ang buong mechanics. Ifollow mo na rin ang contest accounts sa Twitter o Plurk para makakuha ng updates ukol sa mga bagong kalahok.
Ang deadline ng submission of entries ay sa October 4 (Sabado). Ang botohan ay magsisimula pagkatapos nuon Oct. 5 (Linggo). Kung may mga katanungan ka pa ay maaring sumangguni sa FAQs o magpadala ng email sa ekwentomo@gmail.com. Maraming salamat!
E[kwento]MO: Emo Writing Contest
Lahat tayo may mga kadramahan sa buhay, at lahat yun may dahilan, may kwentong nakapaloob. Wala naman hindi nakakaranas ng kalungkutan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang malulungkot na ala-alang di malilimutan. Aminin natin, lahat sa atin a may nakapaloob na isang emo – tipong madrama, pero hindi naman yung suicidal type. Umiiyak tayo, nasasawi, nabibigo, at natututo.
Kaya nabuo ang event na ito. Kung saan isasali ang pinakamadadramang blog entries nakakaiyak na drama, at kung anu-ano pang kaEMOhan. Manalo ng domain at hosting, at higit sa lahat, mailalabas mo ang matagal nang kinikimkim, ipatak muli ang mga luhang minsan nang napawi. Sumali na sa E[kwento]MO, basahin mo na ang mechanics.







