HULA SCOOP 08/25/07

HULA: Maaalala mo ang iyong mga mahal sa buhay lalo na ang mamuhay sa iyong bayan. Hayaan mong ilabas ang lahat ng iyong hinanakit at kalungkutan upang ito’y mawala at ikagaan ng iyong kalooban. Magbanyo ka kaya, baka masolusyonan kaagad?

SCOOP: Mayroon akong ibabahagi sa inyo na isang liham na nagmula sa isang lurker dito sa aking walang kwentang blog, isang seryosong tao na nangangailangan ng isang kaibigang masasandalan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear Sardonyx

Matagal tagal na rin akong tagasubaybay mo sa iyong hulascoop, yun nga lang ako’y nahihiya na sumagot sa iyong mga posts.

Ako’y bago palang dito sa US kaya ako’y nalulunod sa kakaibang kulturang nakikita ko na malayong malayo kung ikukumpara sa ating bansa.

Read more

HULA SCOOP 08/23/07

HULA: Huwag magsukat o magbilang ng kabutihang naitulong mo sa kapwa bagkus gawin mong isang pasasalamat ang mga ginawa mo sa kanila. Sandamakmak man ang naitulong mo sa iyong kapwa kung ang turing sayo ay kalaban ituring mo na lang na natalo ka sa sugal, pero kung gusto mong makapitik man lang e magsolian na lang kayo ng kandila? At least may kandila ka pa, pampabango rin ng bahay yan.

SCOOP: Nabanggit ko ang salitang sandamakmak, isa ito sa slang words ng Pinoy kung ang unit of measurements ang pag-uusapan at hindi ko maubos maisip kung may translation ito sa ingles. Narito pa ang ilan:

Konti- iilan
Kapiranggot- konti
Katiting- konti rin
Gahibla- kasing nipis ng hibla (ng nylon, ng buhok)
Gabuhok- kasing nipis ng buhok
Gabutil- kasing laki ng butil ng palay, asin, bigas, mais depende sa gusto mo
Gadaliri- kasing laki ng daliri, ewan anong daliri, mamili na kayo
Sandamukal- madami
Sankaterba- madami rin
Sankatutak- madami pa rin
Sandamakmak- madaming madami
Sandakma- isang dakma ng kamay, kung paano ka dumakma ng …ibon ganun
Himaymay- isang bahagi (fraction)
Dingding lang ang pagitan- yun na rin ang meaning
Isang dangkal- sukat ng inunat na kamay mula dulo ng hinlalaki (thumb) at dulo ng hinlalato (middle finger)
Isang dipa-sukat mula dulo ng 2 hinlalato pag inunat mo ang dalawa mong braso; pag di mo magets kung alam mo ang UP oblation ganun magsukat ng isang dipa…ang braso ang susukatin at hindi yun nakatiwangwang sa gitna ha.

PANUTO: Dagdagan nyo na lang kung meron pa kayong alam wala na akong maisip. Gabutil ng asin lang kasi ang utak ko e hehehe…

HULA SCOOP 08/22/07

HULA: Ang dating mahal mo sa buhay ay muli kang babalikan pero huli na ang lahat….nakaraos ka na….sa kanyang pagmamahal. Huwag mo na syang hayaang makapasok pa sayo.

SCOOP: Narito ang isang halimbawa ng paghihinagpis sa buhay iniaalay ko ito sa aking kaibigan.

Makakaraos Ako

Sa simula natakot ako
Sobrang takot
Iniisip ko hindi ako mabubuhay
Nang wala ka sa tabi ko
Pero nakaraos ako ng maraming gabi
At inisip ko kung anong nagawa mong kasalanan sa kin
Naging malakas ako
Nakaya kong buhatin sarili ko

Read more

WIKANG FILIPINO, DAPAT PAGYAMANIN

Naririto ako sa ibang bansa, sa Amerika, mahigit sampung taon na dito, malayo sa kinagisnang bayan pero patuloy na ginagamit at namumutawi sa aking mga labi ang wikang Filipino, dahil ipinagmamalaki ko ito at patuloy na pagyayamanin maging sa aking mga anak at maging sa aking panulat, mapa- blog man, homepage, friendster o sa mga nilalathala ko sa ibang forum ay maibahagi ko man lang ang aking nalalaman. 

 Bagamat tayo ay nagmula sa pulo-pulong bansa ay nagkakaisa tayo sa iisang wika, ang wikang Filipino. Ang isang bansang maraming wika na tulad ng Pilipinas ay nararapat lang magkaroon ng wikang pambansa sapagkat nahahadlangan ang layunin ng bawat tao kung magsasalita sa magkakaibang wika. 

Mapalad ang mga Pilipino sapagkat nagkaroon tayo ng kaalaman din na matutunan ang wikang inggles at maging ang espanyol man bukod sa ating wikang pambansa. Mula kindergarten o grade 1 man ay pinag-aaralan na natin ang inggles hanggang sa kolehiyo dangan nga lang at nahinto na ang sapilitang pagkuha sa Spanish subject na pinanghinayangan ko na hindi ko ito naabutan nang ako ay nasa kolehiyo na. Dito sa Amerika isang katangian at kakaibang kakayahan ang marunong kang mag espanyol, mas madali kang makakakuha ng trabaho. At isa yan sa mga katangian natin, ang mabilis matuto ng wikang dayuhan, marahil likas sa atin ang makipag-usap sa kapwa Pilipino na may iba’t iba ring diyalekto….iba talaga ang Pinoy! 

Read more

  . .