MAINIT NA KWARTO/ EATBULAGA/ ICED TEA
Ehem. Di ko alam kung bakit nandito ako sa Blog site na to. Yoko makipagsbayan sa mga Ingliserong bloggers dito. Di ko talaga alam kung bagay ba ako sa site na to.
Ahh. Wala naman akong pakialam kung may magbabasa nito. Di naman yun ang habol ko. Gusto ko lang tangalin ang kati ng kamay ko sa pagpindot ng keyboard habang hinahabol ng aso ko ang mga ideya sa utak ko.
Isa akong Professional tambay. Hindi dahil mahirap magtrabaho, kundi dahil gusto kong pagyamanin ang aking mga kakayahan. Sa aking opinyon, wala akong natutunan sa 2 taon kong paninilbihan sa isang Ad Agency bilang Graphic artist at Video editor. Mahal ko ang trabaho ko pero pinilit akong lisanin to dahil sa shitstemang bumabalot dito.
1. Sinungaling na PR
2. Di makatarungang deadline
3. Deduction at kaltas
4. Mayayabang na Creative director
5. Feeling Diyos na EP at Director
6. Hari ng mga concept na Writer




