math sa wikang filipino
halos pitong taon na ako nagtuturo ng mathemamatics sa mga estudyante sa isang paaralan. nagturo na ako sa kolehiyo at sa sekundarya. napansin ko na isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapang umunawa ng konsepto ang mga estudyante ay dahilan sa nahihirapan silang umunawa kung ang mga ito ay nakasulat sa ingles. iniisip ko na magsulat ng aklat sa matematika, o sipnayan sa tagalog kung saan ang mga aralin ay tatalakayin sa wikang filipino. ano kaya sa tingin ninyo? makatulong kaya ito sa mga mag-aaral nating pilipino?




