Umuulan Nanaman
Maulan nanaman.Ito na yata yung tinatawag nilang “rainy season”
Hindi ko din maisip kung bakit hindi ako nawawalan ng blog entry tungkol sa ulan.
Lagi akong maraming reklamo sa ulan.
Sabagay nga naman kasi eh lumaki akong madalas makaranas ng epekto ng malakas na pag-ulan.
Noong bata pa lang kasi ako eh maliit pa lang ang bahay namen, at nasa normal na lebel lang ng kalsada. Sa dulo naman ng street namen eh nakakonekta ang creek na tinatawag namin na “Ilog Bandong”.
NOTE: Ang pangalang Ilog Bandong ay nagsimula mula sa aming nanay. Nasa tabi kasi ng creek o ng “ilog” ang pinakasikat na gawaan ng coco jam sa aming lugar na pagmamay-ari ng pamilyang Bandong. Ang lahat ng kalat na nagmumula sa Bandong Coco Jam factory (tulad ng panis na sapal ng niyog) ay derecho na sa creek. At ang creek din na ito ang paborito naming pagtapunan ng mga namatay naming aso at pusa (dahil wala kaming bakanteng lote para maging pet cemetery).




