Imperyalistang Maynila: A Wika2007 Entry
August 17, 2007
Imperyalistang Maynila : A Wika2007 Entry
sa panulat ni Baklang AJ
(English translation at the bottom of the entry)
Walang pagsisisi. Isa ako sa mga nakararami na naniniwalang ang pagsisisi sa mga bagay na nagawa at naranasan ay pag-aaksaya lamang ng panahon. Hindi ako nabubuhay sa nakaraan at hindi ko rin ugali ang pagnilayan ang mga pagkakamali ng kahapon. Natututo na lamang ako sa kanila. Marahil ito ay dulot ng aking paniniwalang ang mga naturang pagkakamali ay hindi sinasadyang maging ganoon. Naniniwala ako na ang lahat ng aking mga pagpapasiya sa nakalipas ay yaong mga pasyang itinuturing kong tama at nararapat sa mga panahong iyon.
Isa sa mga disisyong ito ay ang pagbabalik ko sa Metro Manila upang manirahan at maghanap ng trabaho. Simula pagkabata ay akin nang pinangarap na maglakad sa mga kalye ng Makati na nakadamit pang opisina, yung tinatawag nilang corporate. Naisip kong napakagandang tignan ang aking sariling nakakurbata. Pinangarap ko ring magkaroon ng sariling condominium unit sa Makati. Marami ang nagsabing ako’y isang hunghang at ang mga pangarap ko’y walang maidudulot na mabuti. Maraming nagpayo sa akin na wala ring kahihinatnan ang aking paghahanap ng trabaho at ako’y hindi magtatagumpay. Wari nila’y isang maling disisyon ang pagbabalik ng Metro Manila sapagkat noong ako’y magtatapos na sa unibersidad, maraming kumpanya ang nag-aalok sa akin ng magandang trabaho. Akin pa ring pinilit ang aking sarili na makamtan ang aking pangarap. Alam kong mahihirapan ako ngunit hindi ito naging dahilan upang aking isawalang bahala ang aking pangarap. Maraming rason upang ako’y mangamba ngunit hinanda ko na ang aking sarili. 
Isa sa mga ito ay ang aking tinatawag na Imperial Manila at ang mga nakatira rito. Base sa mga napapanood sa telebisyon at sa pinapakita ng media, natatanging-uri at mas mataas ang antas ng mga taga-Maynila kung ikukumpara sa mga galing probinsiya. Hindi ito maitatawa ng sinuman, kahit na sabihin nilang wala itong katotohanan. Para sa mga taga-probinsya, lalo na saMindanao, mababa ang tingin sa kanila ng mga taga-Maynila.
Nariyan ang mga pangungutya tungkol sa sibilisasyon sa probinsiya, “Nakakakita ka ba ng mga kalabaw sa daan tuwing papasok ka sa eskwela noong araw?” Tanong ng isang kaibigan. Sa pagkainis ay sinagot ko siya ng, “Oo, at ang mga kalabaw na ito ay abala sa pagbabasa ng balita mula sa kanilang mga laptop na konektado sa wireless hotspot ng lungsod.” Sarkastikong sagot lang ang makakapagpatahimik sa mga ito.
Nariyan rin ang pangungutya sa accent ng mga hindi taga-Maynila: “Bisaya! Ang tigas ng dila!” Pinagtatawanan kaming mga promdi dahil sa pesteng accent na ito. Naranasan ko ang walang humpay na pangungutyang ito noong ako ay nag-aral sa isang pribadong high school sa Pasig. Simula noon ay pinag-aralan ko ng maigi ang “Tagalog accent” na sa pagkakaalam ko ay maling katawagan, dapat ay “Filipino accent” (kung meron mang ganito) ang itawag dito. Ang Filipino ang wikang pambansa, Tagalog ay ang salita ng mga nasa Katagalugan. Malaking bahagi ng Filipino ay base sa Tagalog ngunit hindi ibig sabihin nito na ang Filipino at Tagalog ay iisa. Bumalik ako sa Davao, saMindanao, upang makapagtapos ng kolehiyo.
taste the Philippines
August 17, 2007

A flavor represents a unique language that communities symbolize. Philippines have a good taste of culture that everyone is proud of. It has different flavors that made it seasoned by different taste of life. Though diverse in culture and perspective in life, we, Filipinos are strong and smooth-interpersonally bonded to each other. The difference in ways and language used is not a hindrance to achieve progress and advancement. So, whatever flavor you are, as long as you instill the love for the Country into your life as a Filipino, you contribute to the moving forward of it toward building a strong nation.
But to achieve it we must first love our Country to communicate fruitfully to one another the message of nationalism. As citizens of Philippines, a country with a gift of tongues and diverse culture must do our part to the construction of a better Philippines. To start it – one must inculcate the spirit of nationalism and integrate the language and culture in living life as Filipino. If everyone does this, a strong Nation we will be. Problems and misunderstanding will be solved and a better country we will be.
If we come to think about it Philippines have really everything in common with America nowadays except, of course, language. It is the distinction of Philippines from America, and to other countries. We are rich in language and we can converse our ideas effectively by heart.
Like a moon on the tides the Philippine Language exerts hidden power that is forcefully strong enough to unite all Filipinos to work for the betterment of the Philippines.
Enjoying our rich culture is like having a good taste which is always an asset. Our Country has a good language though of different taste, but it still blends to make a tasty end.
Maraming Wika, Matatag na Bansa
August 16, 2007
Noong una kong marinig ang temang “Maraming Wika, Matatag na Bansa” ay naguluhan na agad ako. Paano ba naman magiging matatag ang isang bansa kung sa wika palang ay wala ng pagkakakaisa. Inisip kong maaring nagkamali lang ako ng dinig. Ilang saglit pa ay napaisip ako muli. Hindi ba talaga tayo pwedeng maging matatag sa likod ng mapait na katotohanang hindi tayo nagkakaisa sa isang wika? Kung noo’y ito ang ating sinisisi sa ating mabagal nating pag-unlad, hindi ba natin itong pwede gawing instrumento sa pag-unlad? Mahirap naman sigurong ibalewala ang ilan sa mga wikang ito sapagkat naging bahagi na ito ng ating kultura. Para sa akin, tila bang “parinig” o “tawag” ang dating nito. Parinig na hindi raw naririnig ng mga nagbibingihan; parinig na dapat aksyunan ng natatamaan.
A Language We All Must Learn
August 16, 2007
The theme for this year’s Buwan ng Wika is a celebration of the Philippine’s rich culture, indicated by the many different languages the country has. It also associates these languages with nation building. As to what role they play, it is up to whoever ponders it. The connection is for writers, bloggers for that matter, to establish and for readers to appreciate and do something about.
No, I will not bore you with nose-bleeding in-depth analysis of the role of language in building a strong nation because I know for sure that most online readers, me included, have short attention span. Er, we do not have the luxury of time to intently read long articles.
Let me begin, however, by saying that language, particularly verbal language, is only a medium for getting a particular message across. The manner by which the message is sent and the channel through which it is delivered, and some other factors, are just but a structure of support. The large chunk of significance in communication rests on the message itself.
Ang Pagladlad ng Kapa
August 16, 2007
Isa itech ofeysyal na entry ever para sa Pinoy Blogosphere Wika 2007 Blog Writing Contest. Walang kokontra, mga Mare.
Isang Linggo, nanonood kami ng aking ama ng palabas na “Mel and Jay.” Pinag-uusapan nila ang tungkol sa papaanong tinanggap ng mga magulang ang kanilang mga anak na bakla.
Papalatastas na nang sinabi ni Jay Sonza ang kanyang linya, “Magbabalik ang Mel and Jay makalipas ng ilang paalaala. Anak, Bakla Ka Ba?”
Luminga si Daddy sa akin at nagtanong din, “Anak, bakla ka ba?”
“Plangak!”
“Naman!”
“Trulili”
“Koraktsina!”
“Pasok sa banga, Tita!”
Tinignan ko ang aking ama’t sinabing, “Opo, bakit?”
Natawa na lang siya. Nagtawanan kami.
PAGKAKAISA SA KABILA NG PAGKAKAIBA
August 16, 2007
“Dayuhang wika kailangan sa kasalukuyang panahon; Sariling wika kailangan sa pamhabang panahon.” Pahayag ng isang “American Indian” na naglalayon ng isang magandang relasyon ng wika at ng buhay. Ayon sa kanya, ang pagkakaraon ng isang dayuhang wika ay mahalaga upang tayo ay makaayon sa takbo ng panahon subalit mas kailangan natin ang sarili nating wika upang mabuhay nang habampanahon.
Di lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay may napakaraming dayalekto na umaabot sa 170. Ilan dito ay ang Bikol, Kapampangan, Sugbuanon, Iloko, Haligaynon at siyempre ang Tagalog kung saan ibinatay ang wikang Filipino.

Maraming Wika, Matatag na Bansa
August 16, 2007
Masasabi kong mas matatalino tayo sa mga ibang lahi dahil mas marami tayong nalalamang wika kaysa sa kanila. Ang mga Pilipino kahit na hindi ganon kagagaling sa Ingles ay kahit papano nagagawa natin itong gamitin at naiintindihan natin ito. Ang mga Pilipino ay maraming iba’t ibang alam na wika. nandiyan ang Tagalog, Sebuano, Ilokano, Bikol, Waray, Kapampangan, at Pangasinense. Ang ating bansa ay mayaman sa wika kung saan habang tumatagal ay lalo pa itong napapaunlad. Naging isang dahilan ito kung bakit naging matatag na bansa ang Pilipinas. Kahit na iba’t iba ang ating wika ay nagkakaisa pa rin tayo. Hindi naging hadlang ang maraming wika ng Pilipinas upang magkaisa-isa ang mga tao. Kahit na binubuo tayo ng magkakahiwalay na pulo, ay nagagawa pa rin nating magkabuklod buklod. Hindi nawawala sa ating puso at isipan ang pagiging Pilipino. Mapapansin natin na marami ang mga Pilipino ang mga lumaki sa ibang bansa tulad ng Amerika. Pero hindi nila nalilimutan ang pagka Pilipino nila. Kapag bumabalik sila sa bansa ay magugulat tayo dahil Wikang Filipino pa rin ang ginagamit nila dahil hindi mawawala sa kanilang Puso ang pagka Pilipino. Mamamangha ka dahil kung gano sila kagaling mag Ingles ay ganon pa rin sila kagaling mag Tagalog. Isa lamang dahilan yan na ang ating bansa ay matatag. Nagkakaisa ang bawat tao para sa bayan.
Aral ng Kasaysayan
August 16, 2007
Ang mga hibla ng pangunahing ugat ng puno ang siyang nagpapatibay ng tayog nito. Kung gaano niya sasalubungin ang unos na dumating, ay nakasalalay sa kapit ng mga ugat nito pababa sa lupa. Ngunit kapag nalihis ang direksyon nito pataas, hihina ang lakas nito at malamang ito’y mabuwal.
Sa isang progresibong bansa, maliit man o malaki, ang pagkakaisa ay ang pangunahing batayan ng tatag at tibay nito.
Maraming Diyalekto
Kung nakilala ang Pilipinas sa dami ng isla, isa rin tayo sa mga bansang may maraming diyalekto.
Kung isa kang estranghero at babagtasin mo mula Batanes hanggang Jolo, malamang malilito ka sa iba’t-ibang salita ng mga Pilipinong katutubo.
Marahil ay dahil na rin sa mga stratehiyong lugar na naghihiwalay sa bawat isla kaya nagkaroon ng maraming diyalekto ang ating mga ninuno.
Ang paradigm shift at ang mga erehe ng KWF
August 16, 2007
Crossposted galing sa weblog ko.
LABIS ang kasiyahan ko matapos basahin ang keynote address ni Ricardo Ma. Nolasco, chairman ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 2007 Nakem conference na isinagawa sa Mariano Marcos State University noong Mayo 23, 2007. It made my day, ika nga.
Una, dahil kinilala rin sa wakas ng pamahalaang nasyunal ang pagiging multilinggwal at multikultural ng mga Pilipino. Sa talumpati ni Dr. Nolasco — ang pinakamalinaw na policy statement ng gobyerno, sa aking palagay, ukol sa paglinang ng ating mga wika — binigyang diin na hindi kahinaan, kundi lakas, ng bansa ang mahigit nitong 170ng wika. Pangsampu tayo sa buong daigdig na may pinakamaraming wika, aniya.
Ang ikalawang dahilan ay maaaring ma-misinterpret ng iba nating kababayan, gaya ng walang kwentang away sa pagitan ng ilang tinatawag na A-list Pinoy bloggers, na umani ng maanghang na reaksyon ni Gibbs Cadiz; sana naman ay hindi. Pero natutuwa akong nangyayari ang pagbabagong ito sa pananaw ng Komisyon sa pangunguna ng isang Bikolano, na tulad ni Gibbs ay tubong-Sorsogon.
WIKANG FILIPINO, DAPAT PAGYAMANIN
August 16, 2007
Naririto ako sa ibang bansa, sa Amerika, mahigit sampung taon na dito, malayo sa kinagisnang bayan pero patuloy na ginagamit at namumutawi sa aking mga labi ang wikang Filipino, dahil ipinagmamalaki ko ito at patuloy na pagyayamanin maging sa aking mga anak at maging sa aking panulat, mapa- blog man, homepage, friendster o sa mga nilalathala ko sa ibang forum ay maibahagi ko man lang ang aking nalalaman.
Bagamat tayo ay nagmula sa pulo-pulong bansa ay nagkakaisa tayo sa iisang wika, ang wikang Filipino. Ang isang bansang maraming wika na tulad ng Pilipinas ay nararapat lang magkaroon ng wikang pambansa sapagkat nahahadlangan ang layunin ng bawat tao kung magsasalita sa magkakaibang wika.
Mapalad ang mga Pilipino sapagkat nagkaroon tayo ng kaalaman din na matutunan ang wikang inggles at maging ang espanyol man bukod sa ating wikang pambansa. Mula kindergarten o grade 1 man ay pinag-aaralan na natin ang inggles hanggang sa kolehiyo dangan nga lang at nahinto na ang sapilitang pagkuha sa Spanish subject na pinanghinayangan ko na hindi ko ito naabutan nang ako ay nasa kolehiyo na. Dito sa Amerika isang katangian at kakaibang kakayahan ang marunong kang mag espanyol, mas madali kang makakakuha ng trabaho. At isa yan sa mga katangian natin, ang mabilis matuto ng wikang dayuhan, marahil likas sa atin ang makipag-usap sa kapwa Pilipino na may iba’t iba ring diyalekto….iba talaga ang Pinoy!
Maraming Wika, Matatag na Bansa
August 16, 2007
Tagalog at Ingles lang ang alam ko. Pero syempre may ibang tao na marunong ng iba pang wika. Madalas, pag naguusap sila, hindi ko maintindihan kung ano ang kanilang sinasabi. Sikreto. Sa isip-isip ko, paminsan nakabubuti rin na may alam ka na isa pang wika para kung may gusto kang sabihin na patago, pwede mong sabihin. Halimbawa, sa eskwelahan ko, Ilokano kasi ang may-ari, may kaklase ako na marunong mag Ilokano. Ang isa naming guro ay marunong ding mag Ilokano, at nagusap sila. Malakas ang boses, dinig na dinig ko, pero hindi ko maintindihan. Kaya nagtanong ako. Natawa na lang ako kasi bastos pala ang pinagusapan nila, joke pala. Sa pagkakataong iyon, nakabuti na marunong silang magsalita ng isa pang wika. Natuwa pa ako.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
WIKA 2007 ENTRY: Tungo sa Panlipunang Pagbabanyuhay
August 15, 2007
Title Translation: Towards Social Transformation
Halos isa’t kalahating dekada na ang nakalilipas mula nang mag-aplay ako sa isang training program para sa mga kabataang propesyunal upang maging ganap na social development worker. May trabaho na ako sa Baguio noon bilang isang Assistant Project Manager for Training sa isang Foundation, pero hindi ko maintindihan kung ano nga ba ang tunay kong papel sa adhikain ng Foundation, at higit sa lahat, ang kaugnayan ko bilang isang mamamayan sa pagpapaunlad ng ating bansang naghihikahos. Dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng higit na malalim at malawak na kaalaman sa development work, at sa paghikayat ng aking manager na may malalim na karanasan sa pag-oorganisa ng pamayanan, sumali ako sa programang iyon. Dumaan ako sa proseso ng pagpili ng mga kabataang propesyunal sa buong Pilipinas upang mapabilang sa programang ito. Naging mapalad akong napabilang sa mga shortlisted o mga kandidato. Dala-dala ang aking kredensiyal, ang aking kaunting karanasan sa community development (pagpapaunlad ng pamayanan), lakas ng loob, at mahaba at matinding dasal, tumulak ako patungong Manila. Sa Manila, haharapin ko ang isang pagsusulit sa harap ng mga piling dalubhasa sa community development o mga taong haligi ng mga non-government organizations (NGO) sa buong Pilipinas.
Sa harap ng panel, ibinigay ko ang lahat ng lakas at ipinaliwanag ko ang aking nalalaman tungkol sa pakikisalamuha sa mga tao, ang papel sa kasalukuyang trabaho, at ang aking hangad na maging mas epektibo sa pagtulong sa mga mahihirap lalo na kung ako ay magkakaroon ng higit at malawak na kaalaman sa pagpapaunlad ng pamayanan. Sa palagay ko, walang tanong na hindi ko sinagot nang tama. Simple lang naman pala ang mga tanong. Natuwa ako sa nangyari. Lumabas ako sa board room nang may ngiti sa aking mga labi. Pero ang ngiting iyon ay panandalian lamang.
Isang Click para sa Halo Halo Espesyal Pilipino
August 15, 2007
Ako ay Filipino.
Purong purong lahi mula sa aking kulay hanggang sa aking ilong. Pilipino ang aking wika na aking kinagisnan, Ang wika ko ay nahati sa dalawa; tagalog at ilokano. Magaling akong magsalita ng tagalog pero kaunting salita sa ilokano ang aking naiintindihan. Sisihin niyo ang aking nanay na ipinagbadya na matuto akong magsalita ng wika ng aking tatay. Ang paniniwala niya ay tulad ng mga Filipino noon, kanya kanyang probinsiya ata para raw hindi tumigas ang aking dila. Noong nagkaroon ako ng trabaho sa Norte ng Luzon, gusto kong sakalin ang dakila kong ina sapagkat nagmukha akong tanga sapagkat hindi ko alam ang makipag- usap sa aking mga estudyante at katrabaho. Ang katwiran ko na lamang ay magaling naman akong magsalita ng ingles. Kayang kayang ko pang gayahin ang mga twang at accent. Ito na ang naging agimat ko, ang pag- bukod ko gamit ang wikang hindi naman sa akin. Naging mangmang ako sa sarili kong bayan. Mali naman ang aking ipinagmamalaki.
Ako ay Filipino.
Isang estranghero sa isang bansang may libo libong wika. Araw araw ay gamit ko ang wikang ingles upang makapagturo sa klase, makapagreklamo kapag nilalait sa trabaho at mag- ingay kapag ginigitgit sa tren. Ang aking dila ay hasang hasa na ngunit uhaw na uhaw naman ito. Ito ay matinding uhaw na puwede lamang maibsan ng pagsasalita ng wikang Pilipino. Tuwing may nasasalubong akong kapwa Filipino, titigil ako upang kamustahin siya. Sa lahat rin ng pagkakataon, ang kababayan ko ay hihinto rin upang tanungin kung ilang taon na akong naging malayo sa Pilipinas. Ang maintindihan ka nang tuluyan gamit ang wikang Pilipino ay nagdudulot sa akin ng pakiramdam ng paglapag ng eroplano sa NAIA. Nakakauwi na ako sa ating bayan kahit sandali lamang. Ang espesyal pang kaganapan ay nagkakaintindihan kahit na iba ang wika. Ilokano man o Ilonggo ay naiintindihan ko. Tanungin man ako sa kapangpangan, sasagutin ko naman sa Tagalog. Pareho kaming magpapaalam nang masaya ng aking kausap. Kasiyahan na nagbibigay lakas na naman upang kumayod ng buong linggo. Ipinagmamalaki ko ang wikang Pilipino sa iba’t ibang anyo nito.
Language and the Heaven-sent story
August 15, 2007

Language and the Heaven-sent story
Wika at ang Kuwento na Hulog ng Langit
Friend, it’s time to tell a story!
Kaibigan, oras na para magkuwento!
Before you do that, let’s read a short story that has been translated in three languages (Tagalog, English, and Taglish). Three languages, one story. You can choose your language.
Bago mo gawin iyan, basahin natin ang maikling kuwento na isinalin sa tatlong wika (Tagalog, English, at Taglish). Tatlong wika, iisang kuwento. Piliin mo ang iyong wika.
Let the words speak to you. Are you ready?
Hayaan mo na mangusap ang mga salita. Handa ka na ba?
Hulog ng Langit
(Tagalog)
Siya ay sumiyap sa kaniyang tainga at tumingin sa kaniya na may mga matang nagniningning kasama ang pag-asang tulad sa dalisay na bughaw na himpapawid. Kaniyang naramdaman ang kapalaran nang muling pagbuksan nitong pinto nang nagsara ang mga bintana ng langit at napigilan ang ulan ng kawalang pag-asa. Ang lumipas na kakila-kilabot na klima ay wala na. Pumapasok ngayon ang araw ng pagkakataon.
May apatnapung araw na mula pa nang makita niya ang araw ng kapalaran, at kaniyang narinig na mga ilang buwan pa ang dapat magdaan bago ang mga tubig ng lumbay ay kumaunti. Tila binaha siya ng mga balitang malupit na ay malamig pa at nakakabagabag. Nguni’t ang lahat ng ito - ang mga makalangit na paalala, ang pagkawala ng araw mula sa himpapawid, ang halos walang-tigil na marahas na ulan, ang baha na nagdulot ng pagkalunod ng sangkatauhan, at ang nakapagtatakang hiwaga ng dambuhalang barko na nagligtas ng walong tao at mga daan-daang hayop – ay lumikha ng malaking sapantaha na sa kanya. Siya sa ngayon ay isa ng naniniwala sa masamang balita. Hindi iyon dahil sa siya ay nagiginhawaan nito. Siya ay isang mapagmasid, isang saksi, at siya ay nasindak sa kaniyang nakita. Maliban dito, siya ay hindi nakasumpong ng kapahingaan para sa talampakan ng kaniyang paa. Kaya siya ay bumalik sa barko ng walang anomang mabuting balita.
Naykupu!
August 14, 2007
“Hello, Noy!” eksayted na banggit ng nanay ko sa kabilang dulo ng mundo. Ramdam ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga boses. Puno ito ng galak at parang batang may maraming ikukuwento.
Nanay ko nasa Amerika, kasama ng kapatid ko na nars. Umalis siya ng bansa mga apat na buwan na ang nakaraan. Ito iyong minimithi niya noon pa. Gusto niya masamahan ang aking kapatid at makatulong sa pag-aalaga ng aking mga pamangking ipinanganak at lumaki sa Amerika. Marahil naiisip din niya na makakatulong siya sa pinansiyal na pangangailangan namin dito Pilipinas.
Unang buwan niya sa Amerika, tumawag siya sa akin na mangiyak-ngiyak dahil maliban sa ini-rereklamo niyang malamig na panahon doon parati pa niyang namimiss ang kanyang apo dito sa Pilipinas. Oo nga at meron din siyang mga apo doon sa aking kapatid na babae. Pero iba pa rin ang relasyon niya sa apo niya dito na kapareho niya ng salita o wika. Nakakatawa dahil kahit graduweyt ang nanay ko ng pagka-titser, ilang pa rin siya sa salitang banyaga.
“Nay, kumusta?” Tanong ko sa kanya. Puno ng pagtataka ang boses ko. Alam ko na iinit na naman ang tenga ko sa telepono dahil puro na namang kuwento at paalala ang maririnig ko sa kanya.
“Noy, halin kami sa Texas. Nagbakasyon kami kanday Grace na amiga ni Inday. Kanami didto Noy. Parang Pilipinas ang klima kag kadamo sang pinoy.” Oo, Ilonggo kami. Si nanay kung makipag-usap sa akin, Ilonggo. Ako naman, kahit na marunong mag-Ilonggo Tagalog ang gamit ko o Filipino. Wala namang problema dito dahil nagkakaintindihan naman kami. Gustuhin ko mang magsalita sa sarili naming salita o dialect, ako ay nabubulol na kaya minamabuti ko na sa Tagalog magsalita.
Bayang minumulto…
August 14, 2007

Bata pa alng ako, marami na akong nakikita at naririnig na mga multo… Naalala ko pa noong bata ako, isang pamilya ng mga multo ang lumapit sa akin at nagtanong, subalit hindi ko naman sila maintindihan. Bakit ako pa ang kailangan tanungin? Sabi ko sa sarili ko. Namulat ako sa lipunan ng mga multo. Hindi ko man sila maintindihan, kailangan kong mabuhay kasama ang mga multong ito ng aking buhay. Maraming mga multo sa paaralan namin. Ewan ko, dala siguro yun ng kasaysayan ng tinitirikang lugar…
Madalas magpakita ang mga multo tuwing English class, Math, Science pero hinding-hindi sa Filipino class namin. Marahil takot lang sila sa guro ko noong mga oras na iyon. Pero, sa tuwing sasapit ng Filipino class, tuwang-tuwa ako sapagkat hindi ko na kailangan pang makakita at makarining ng mga multo.
Sabi ng mga teacher ko, kailangan naming matututong makisalamuha sa mga multo ng aming buhay sapagkat una: hindi naman nila kami sasakatan at ikalawa: sila ang magtataguyod sa aming buhay pagdating ng araw. Kaya maging multo na rin daw kami!
United We Stand, Divided We Fall
August 12, 2007
Orginal entry post : Click here!

Bata pa lang ako, nagtataka na ako kung bakit madaming mga tao sa paligid ko ang naguusap sa mga salitang hindi ko naman maintindihan. Noon, sa pagkakatanda ko, ay tinatakot pa ako ng aking ina na yung “babaeng kakaiba magsalita” ay yung mga kumukuha sa mga batang malilikot, salbahe at hindi umuuwi ng maaga.
Dahil dito, lumaki akong may takot sa kung sino mang marunong magsalita ng ibang lenggwahe maliban sa Tagalong at Ingles. Naalala ko pa nung mga panahong tinataguan at iniiyakan ko yung kapitbahay namin na sinasakyan naman ang kwento ng aking ina. Nang nag-umpisa akong mag-aral ng elementarya at natutunan ko kung ano ang tama sa mali at tunay sa likhang-isip, nalaman ko din sa wakas ang mga salitang iyon ay kabilang sa madaming wika sa ating bansa. Nakakagulat lamang dahil imbis na matuwa o mamangha ay ikinainis ko pa iyon, marahil dala ng panlolokong ginawa sa akin.
Katimauan para king sariling Amanu!
August 12, 2007
Para king Bulan ning Amanu, yayampang ke ining makuyad kung kauatasan e pemagatan kung MÁNUKLUAN. Para ya ini karing anggang Kapampangan a kayanakan a mengaparusan king iskuela iniang gagamitan de ing sarili rang Amanu king kilub ning silid-aralan.
[For the Language Month, I present this short poem the title of which is SQUATTER. This I dedicate to all the Kapampangan children who got punished at school for speaking their own language inside the classroom.]
Kailangan da nang abalu ring anggang Pilipinu king meto yatu na e kailangan ing paten ta ra ring aliuang amanu keti Pilipinas ban mung mikamasikan a bangsa.
[It's high time that all Filipinos around the world know that we don't have to kill our linguistic diversity in the Philippines just to uphold a strong nation.]
Misasanmetung king pamimialiua!
[Unity in diversity!]
MÁNUKLUAN
[Squatter]
neng Jason Paul Laxamana
Oyta i Ginang Nacionalista
Ngana king ulaga ning salita
“Ang `di ma-al ang sariling wika
Masa-ol pa sa malansang isda”
Ita kanu’ng amanu nang Pepe
Inia mag-Filipinu king bale
Sibuknan, oneng dipan-ning-alti!
E pa rin asalikut ing gege
[There goes Mrs. Nacionalista
She stated regarding the importance of language,
"Ang `di ma-al ang sariling wika
Masa-ol pa sa malansang isda"
That's what Rizal said, she asserted
So we should speak Filipino (Tagalog) at home
I tried, but God-damn-it!
I can't hide my native accent]
Alay sa Buwan ng Wika
August 11, 2007
Sinasabing ang wikang Ingles ay ang “universal language” dahil ito ay kilala at alam ng halos lahat ng tao saan mang sulok ng mundo. Maraming lugar ang gumagamit at naapektohan ng linguahe na to, kasama na ang Pilipinas.
Sa panahon natin ngayon, maraming mga Pilipino ang bihasa sa paggamit ng wikang Ingles. Minsan, ito ay mas madalas nagagamit kaysa sa wikang Filipino. Kadalasang iniisip ng mga Pilipino na kapag marunong ka mag-Ingles, ikaw ay mayaman, sosyal, may class, may lamang sa iba at globally competitive daw. Ang iba nga ay nagsasalita ng Ingles kahit sila ay pamali-mali sa pag-gamit nito para lang mapatunayang kaya rin nila mag-Ingles. Minsan, nakakalimutan natin ang importansya ng ating mga sariling wika. Read more
Ang Wikang Tagalog Bow
August 11, 2007

Isang malaking karangalan para sa bawat Pilipino ang magkaroon ng matatawag na wikang pambansa , ito ay ang wikang “Tagalog”. Ito’y isang simbolo ng pagiging ganap na malaya ng ating bansa mula sa mga dayuhang sumakop sa atin.
At dahil dito umusbong sa ating mga ninuno ang napakaraming literatura gaya ng sabi (maxim), salawikain (proverb), bugtong (riddle), talindaw (boat song), kumintang (war song), uyayi (lullaby), dalit at umbay, ihiman (bridal song). Andyan din ang Balagtasan at Tawag ng Tanghalan sa mga awiting tagalog. Dito na nagsimulang dumami ang bokobularlyo ng wika natin. Ang iba ay hango na rin sa kastila dahil sila ang mga unang nanirahan at sumakop sa atin.
Nalaman ko ang kahalagahan ng ating wika sa dalawang pagkakataon. Una ay ng ako ay matira sa bansang Korea ng isang taon. Isang maunlad na bansa ang bansang Korea. Halos mas nakakaahon pa ang Pilipinas noong dekada 80, pero sa ngayon ay napakalayo na ng agwat nito sa atin. At isa sa mga dahilan nito ay ang pagiging nasyonalismo ng bawat mamamayan. Lahat ay gumagamit ng kanilang sariling wika at tumatangkilik ng mga lokal na produkto.
AOL Wika 2007 Entry : “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
August 10, 2007
Original Entry Title: AOL Wika 2007 Entry : “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Original Post : http://adventuresofalionheart.blogspot.com/2007/08/aol-wika-2007-entry-maraming-wika.html
Marami na akong napuntahang lugar sa Pilipinas at marami na akong natutunan sa mga pag uugali at mga tradisyon ng mga Pilipino. Bilang isang adventurer, marami na rin akong nasubukan na mga bagay bagay na sa lugar lang na iyon mararanasan o makikita.
Bawat lugar sa Pilipinas ay may mga pagkakaiba. Bawat tao sa mga lugar na ito ay magkakaiba rin. Oo, Pilipino tayo! Marami tayong pinagkakaisahan pero hindi natin maiiwasan ang pagkakaiba sa pagkakaroon natin ng ibat ibang pananaw at paniniwala.
Ang mga lugar sa Pilipinas ay para ring mga wika. Iba’t ibang salita at gamit pero may mga pinagkakaparehas. Ang bawat salita ay may katumbas na sa ibang lenguahe.
Lahi
August 9, 2007
Madalas, naitatanong ko sa aking sarili kung ano nga ba ako? Sure, alam ko tao ako, pero ang ibig kong sabihin, ano nga ba ang totoong lahi ko beneath my being a Filipina?
Eto kasi yan e… Si Lolo Simeon na ama ni Dad ay isang Bicolano na may lahing Espanyol. Si Lola Solemnidad naman ay isang Kapampangan na may lahi ding Espanyol. So, that makes my father Spanish, Bicolano and Kapampangan.
Ang Lolo ko naman sa aking ina ay isang Italyano at si Lola naman ay isang Waray. So ang aking ina ay isang half-Italian, half-Waray. Now, discounting the foreign blood running through my family tree, that would make me a Filipino of Bicolano, Kapampangan and Waray descent. Okay na sana e, hindi na masyadong nakakalito. Hanggang sa makilala ko ang kabiyak ng aking puso na isang Pangasinense. Only a year within our union, naging fluent na din ako sa salitang Pangasinense (FYI - it is absolutely rude and discriminating to call them or their language “Pangalatok”, it is an insult to them.). There are times I get lost in my own ability to speak a multitude of Filipino languages, aside from my fluency in the English vernacular which I often use since I work as a virtual assistant to a client based in the United States. Madalas, I find myself stopping in mid-sentence kasi nare-realize ko na napaghahalo ko na pala ang mga salita and the people that I talk to are trying so hard to put the words together to understand me. Kagaya noong minsan sa isang party sa amin sa Pampanga, kausap ko ang aking mga pinsan na matagal-tagal ko na din hindi nakita. Nagkakatuwaan kami ng bigla na lamang napansin ko na nakatitig na sila sa akin at almost alll of them had their lower jaws hanging open. I realized I was blabbering in excitement and saying something like : “Nuko, ne, ewari kanita mumunta tamu pa El Tierro mag-ghost hunting tamu nen kiyen say kwan nen Lolo Sim, patche arakap da kayu lawen yu man, idatuk da kayu keng sako!” (translation : Naku hindi ba, noon nagpupunta pa tayo sa El Tierro para mag-ghost hunting tapos sabi ni Lolo Sim, kapag nahuli ko kayo, makikita nyo, ilalagay ko kayo sa sako!).All of it was in Kapampangan, except for the words in bold letters which was in Pangasinense. Apparently, I accidentaly injected a different language into my sentence causing a bit of confusion to my audience. It was really embarrassing, but it is even more embarrassing because this didn’t happen only once, it happens all the time!











