PBS Wika2007 Blog Writing Contest

“Marhay na aldaw saindo gabos, Maayong adlaw sa imong tanan, Naimbag nga aldaw kadakayo amin, magandang araw sa inyong lahat!”

Ilan lamang ito sa mga salin ng mga pagbati na meron sa ating bansa… Puno man tayo ng iba’t-ibang dayalekto, marami tayong pwedeng ipagmalaki sa kulturang Pinoy. Bilang paggunita sa darating na Buwan ng Wika, ang Pinoy Blogosphere ay magsasagawa ng isang patimpalak sa pagsulat hango sa usaping: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”.

Higit na malakas ang impluwensya ng Internet sa kultura natin ngayon. Dahil dito, makakapagpatibay ng pagmamahal natin sa Wika ang pag-blog tungkol dito. Bukod do’n, pati na rin ang buong mundo ay mamamangha sa Filipino. Ang Wika 2007 Blog Writing Contest ay isang proyekto na sinimulan para ipagyabang ang kagandahan at katatagan ng wikang Pinoy.

Lahat po ng Pilipinong blogista, dito man sa Pilipinas o nasa ibayong bansa, ay inaanyayahang sumali.

Bilang pang-engganyo sa inyo, ito lang naman ang maari ninyong mapanalunan:

Para sa Waging-wagi! (Grand Prize)
tumataginting na Php 5,000.00 + 1 taon domain registration + 1 taon 100mb Web Hosting

Pumapangalawang Wagi: (Second Prize)
hindi parin papatalong Php 3,000.00 + 1 taon
domain registration + 1 taon 100mb Web Hosting

At sa Ikatlong magwawagi: (Third Prize)
saan pa pupuluting Php 1,000.00 + 1 taon domain registration + 1 taon 100mb Web Hosting
Magsisimula ang pagtanggap ng entries sa ika-6 ng Agosto 2007, hanggang sa ika-18 ng Agosto 2007. Ang judging naman ay mula sa ika-20 hanggang ika-25 ng Agosto 2007. Ihahayag ang nanalong entry sa Pinoy Blogosphere website sa ika-29 ng Agosto 2007.

Sulat na, Pinoy!

At tulungan nyo kaming ipamalita ang contest na ‘to! Pwede kayong magsulat sa mga blog ninyo tungkol sa Wika2007, at i-submit ang URL sa wika2007@pinoyblogosphere.com, para mailagay namin ang link ninyo sa contest page.

Wika2007
http://www.pinoyblogosphere.com/wika2007
wika2007@pinoyblogosphere.com 

Wika2007 Blog Writing Contest

Wika2007 Blog Writing Contest 
http://www.pinoyblogosphere.com/wika2007   

The Wika2007 Blog Writing Contest is a group writing effort aiming to trumpet the beauty and strength of the Filipino Language in line with this year’s Buwan ng Wika theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”. With the significance of the Internet in shaping the culture today, blogging about the Language will not only enforce the online Filipinos’ love for their native tongue, but also promote it to bloggers around the world.

The submission of entries will officially start on August 6, 2007, and shall end on August 18, 2007. Judging shall be from August 20 to 25, 2007. The winning entry will be announced at the Pinoy Blogosphere site on August 29, 2007

The contest is open to all Filipino bloggers, both in the Philippines and abroad.

 

Prizes

  • Grand Prize: Php5,000 + 1yr Domain Registration. + 1yr 100mb hosting
  • Second prize: Php3,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting
  • Third prize: Php1,000 + 1yr Domain Registration + 1yr 100mb hosting

For more information about Mechanics, Judging, Received Entries, Sponsors, etc., kindly proceed to the Wika2007 contest’s official site: http://www.pinoyblogosphere.com/wika2007

  . .