Pista ng Wikang Filipino/The Spectacle of the Filipino Language
August 18, 2007
Pista ng Wikang Filipino
(original Filipino)
Kadalasan, sa ganitong paraan natin ipinagdiriwang ang “Buwan ng Wika:” magsusuot tayo ng barong at salakot, baro at saya. Magluluto tayo ng bibingka, magbabalot ng suman. Maghahanap tayo ng pagkarami-raming kawayan: magbubukod tayo ng ilan para sa tinikling, ang isa’y papahiran natin ng langis para sa palo sebo, at ang nalalabi ay puputulin natin para gumawa ng aparato para sa pabitin. Sa loob ng isang linggo ng Agosto, o kung di man sa mga Biyernes ng Agosto, lahat ng ating kurso ay itinuturo sa wikang Filipino.
Maraming nagsasabi na hindi sapat ang isang buwan para ipagdiwang ang wikang Filipino. Ngunit sa aking palagay, sa tuwing sasapit ang Agosto, madalas na ipinagdiriwang natin ang salitang Filipino, at hindi ang wikang Filipino. Madalas na ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyon ng bukabularyo: ang pag-unawa natin sa ating sariling wika ay limitado lamang sa nilalaman ng diksyunaryong Filipino, sa mga kumbensyon ng balarila, at sa isang linggong tagubilin na ituro ang mga kurso sa paaralan “sa wikang Filipino.”
Ngunit limitado ang ganitong pag-unawa: ikinakahon ang wikang Filipino sa isang sistema ng pananalita, sa isang paraan ng komunikasyon. Madalas na ang wikang Filipino ay limitado sa mga limitasyon ng pagsasalin, sa pagiging bukambibig lamang. Sa panahon na isinusulat ko ang sanaysay na ito, sumasangguni ako sa isang diksyunaryong nagsasalin ng Ingles sa Filipino: aminado akong limitado ang aking kasanayan sa pagsusulat sa aking sariling wika. Si Rizal na mismo ang nagsabi: higit akong sanay sa wikang banyaga (Ingles), kung kaya’t higit pa ang amoy ko sa malansang isda.
“ THE ” Filipino Language: WHAT THE HECK DOES THIS MEAN???
August 18, 2007
What’s ironic about this official entry is that I’ll critique the contest itself. Don’t worry, in spite of the apparent negative fuss this will end on positive note in line with the theme. Promise!
Ano ba talagang gusto ng contest na ‘to?
First of all, the contest is described to have this aim:
The Wika2007 Blog Writing Contest is a group writing effort aiming to trumpet the beauty and strength of the Filipino Language
As a student of linguistics, the first question that entered my mind was: which Filipino language do the organizers want to strengthen? Because “the Filipino Language” is singular and not plural, I thought that this referred to ONE language.
Since there’s a difference between a Filipino Language and the Filipino Language, I thought that they referred to the Pambansang Wika institutionalized by Manuel L. Quezon. Perhaps “the Filipino language” the contest refers to is standardized Tagalog, which is also known as “Filipino.”
Then I read the theme:
… this year’s Buwan ng Wika theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa” (Free translation: “A gift of tongues for a strong nation”).
Oh, I was mistaken! I guess the organizers referred to the MANY languages spoken by Filipinos. Uh, doesn’t this theme somehow conflict with the aim? Ano ba talaga—one or many? Read more
akala mo lang wala pero meron meron meron! wapak!
August 18, 2007
“Pinoy kaw? So wala kang kwenta? Katulong ka! Dog eater! Hampas lupa!”
Kung sino man ang nagsasabi nito tumabi tabi ka jan, hahambalusin kita ng itak e! Umalis ka sa harap ng salamin at umpisahan mong intindihin na may kwenta ka dahil pinoy ka. go go go sago!
Akala mo lang wala kang kwenta pero meron meron meron! Wapak!! O ayan magising ka! alam mo bang kabilang ka sa grupo ng pinaka matalinong nilalang sa galaxy? Sino nagsabi? Sino pa, edi yung pinakamatalino sa lahat..ehemmm..ako.
O sige nga. San ka nakakita ng NAPAKAaliit na bansa na may NAPAKAraming salita? Likas na magaling ang pinoy sa pagasasalita at pagpapahayag ng sarili kaya naman mayaman tayo sa wika. Minsan nga lang nakakaloka., pero nakakaaliw. Nakakatuwa. Patunay lang na magaling tayo. Astig!
The AnitoKid’s Entry to the 2007 Wika Project
August 18, 2007
The AnitoKid’s official entry to the Wika Project is at http://anitokid.blogspot.com/2007/08/filipino-bonding-nation-and-its-people.html.
Much thanks to the project’s moderators and sponsors!
Filipino: Bonding a Nation and Its People
Filipino, the Philippines’ national and official language, stands as a true testament to the nation’s rich and colorful history. If one carefully dissects the language, it embodies a passionate love for freedom and a proud people’s outlook on the serenity of life. The language is serious and elegant, yet sensitive at the same time. It promotes a sense of spirit and independent thinking. Its alphabet, which is made of 28 letters, serves as the bridge to the numerous dialects shaping the more than 7,100 islands that make up the Pearl of the Orient Seas.
The Filipino language embodies the scores of dialects in the country, from that of the Ilokanos in the far north, to those of the Muslims in the south. Some scholars believe that a country with such a vast number of dialects will have a difficult time finding itself politically, economically, and socially. Indeed, the thought has its own merits. However, it failed to account for one variable - the emergence of a national language. Any sense of ill-feeling, hatred, resentment, and distrust amongst the country’s people because of their different backgrounds and cultures has been removed via the emergence of Filipino as a national language. The Filipino people now freely communicate ideas, exchange opinions, and ponder on thoughts. Filipino has bonded the Philippines’ culturally-diversed people into one cohesive force. Nowhere in the world has a language bonded a nation and its people so strongly, becoming its backbone and serving as the catalyst towards its sense of nationalism. It has advanced a sense of pride among the country’s people, irrespective of what region they came from, economic status, or social position. It has also allowed the Filipino people to see themselves as one whenever threatened by the same peril and wounded in the same feelings, becoming the cornerstone during times of political conflicts, social upheavals, and international intrigues. Thus, hands are clasped, common causes are made, and objectives are shared and realized. Yes, such union is not yet perfected, but we are getting there!Wikang Filipino… Nasaan ka na?
August 18, 2007

Sabi ng mga nakakatanda, naging pabigat na raw ang henerasyon natin ngayon… Kesyo magastos tayo, kesyo tamad na tayo dahil sa makabagong teknolohiya, kesyo malalandi na RAW ang karamihan sa ating mga Maria Clara (no offense sa inyo ah?!), kesyo maingay na raw ang ating musika, kesyo ganito! kesyo ganyan! Minsan ba, naranasan niyo nang mainis sa kanila dahil sa pananaw nilang ganito? At eto pa ang isang tanong. Minsan ba, naramdaman niyo na rin ang mga nararamdaman nila ngayon? Ako? Ngayon ngayon lang. Ewan ko ba. Hindi pa naman ako ganon katanda, pero parang nagiging matured na ang pag iisip ko.. Kasi, pumasok bigla sa utak ko ang kaisipang ito…
Sponsored by: Ang Tinig ng Bagong Salinlahi Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
YAPAK NI RIZAL
August 18, 2007
Nais kong maging isa sa mga magagaling na manunulat ng wikang filipino.
manunulat na hinahangaan at sabihin na rin nating ginagawang huwaran…
Ngunit papaano kung ang aking simpleng sanaysay ay di nais basahin ng mga mambabasa, ang karamihan pa sa kanila ay mga kabataang tulad ko na dapat ay higit na nakaka unawa.
Di ko mawari kung di lang nila maintindihan ang aking mga sinusulat o sadyang nakakabagot ang mga ito.
Alam kong malayo pa ang aking aaralin upang maging dalubhasa sa pag susulat.
Ngunit ako’y may malawak na imahinasyon at pag iisip. Alam kong ako’y may kakayahan kaya’t ngayon pa lang ay nais ko nang hasain ang aking sarili sa pagsusulat.
Sa panahon ngayon kakaunti na lang sa mga manunulat ang lumilikha ng sulatin o istorya sa wikang filipino. Malimit na rin itong gamitin kahit sa pananalita.
Nais kong maging isa sa mga manunulat ng wikang filipino sa bansa.
Hindi ako magsusulat ng isang sulatin na wikang ingles dahil lang sa kagustuhan ko na maintindihan at mabasa ng mga dayuhan ang aking isinulat.
Bakit sila ang iisipin ko?
Mas nanaisin kong maunawaan muna ng aking mga ka-bario ang aking mga isinusulat.
Nais kong sila ang unang maka basa ng aking mga obra at nais kong sila ang unang mag papamahagi nito sa iba.
Kung may nais bumasa ng aking sulatin na hindi nakaka intindi ng wikang filipino, siya ang dapat na gumawa ng paraan upang mabasa ito at maintindihan ang nilalaman.
Itulad mo na lang sa presidente ng Pilipinas na nag dedeklara ng SONA o State Of the Nation Address.
ang SONA ay pahayag ng isang Pangulo ukol sa kalagayan ng bayan.
dito ay ipinahahayag ng pangulo kung sa papaanong paraan mabilis na uunlad ang bayan at kung ano pa ang mga suliranin na dapat sugpuin sa lipunan.
si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (PGMA)
ay ang pangulo ng REPUBLIKA NG PILIPINAS sa kasalukuyan. amakilan lamang ay nag deklara siya ng kanyang SONA.
Ang kanyang talumpati ay ipinahayag niya sa wikang ingles…
Aamin kong marami sa bahagi ng kanyang pahayag ay hindi ko naintindihan, naka tulog pa nga ako sa kalagitnaan ng pagtatalumpati niya. Tinanong ko ang aking sarili…
diba’t ang SONA ay pahayag na nais ipahatid sa mamayan?
Yan ang unang layunin nito.
Ang maipabatid sa mamamayan kung ano ang kalagayan ng bansa.
ngunit bakit tila yata…
Ang mga edukado lang ang may kakayahang umintindi sa mga sinasabi ng pangulo???
Papaano naman ang mga taong nka tira sa iskwater na hindi naka tapak sa paaralan.
Na hindi naka tikim ng bagong lapis at papel.
Ni-hindi marunong bumasa.
Hindi ba sila kabilang sa populasyon ng mga Pilipino???
Nakalulungkot isipin na ang mga naka upo lamang sa magagandang upuuan at ang may malalaking telebisyon lang ang nakaka unawa sa mga salitang binibitawan ng pangulo.
Kayhirap isipin na mabibilang na lang ang masasabi mong makakapag paliwanag sayo ng kung ano ba ang nilalaman ng kanyang.
Muling tumapak ang mga tanong sa aking isipan…
Bakit hindi na lang gumamit ng wikang Filipino ang presidente ng Pilipinas na nag dedeklara ng SONA?
Upang mas madaling maunawan ng bawat mamamayang naninirahan sa bansa.
May batas ba na dapat sa pag dedeklara ng SONA’y wikang ingles ang dapat gamitin?
Dahil ba nais ng pangulong maintindihan ng karatig bansa ang kanyang layunin?
Diba’t dapat na ay ang mamayang Pilipino ang dapat na unang makaunawa sa kanyang mga layunin???
Kay dami kong tanong… Ngunit walang nais sumagot…
Pinagtatawan lang ako ng mga taong pinag tatanungan ko… Marami pa daw akong hindi alam. At dahil sa nababasa mo’y maaring isa ka sa kanila.
Siguro’y hindi rin nila alam ang sagot.
Bakit nga ba kinahihiya ng mga Pilipino ang pagiging BOBO sa pagsasalita ng Ingles???
Ang mahirap pa… hindi na nga maituwid ang dila sa pagsasalita ng wikang hindi naman talaga marunong , ipinipilit pa din.
Kung minsan kahit hindi naiintindihan ang sinasabi… Patuloy pa rin sa pagsasalita. Naisip ko tuloy na baka mali aking mga iniisip. maaaring madami pa nga kong hindi alam. Walang masama kung pag aaralan natin ang mga wikang hindi naman natin nakagisnan. Ang dapat lang ay isaalang alang ang wika ng sariling bansa at hindi dapat ikahiya.
Ang nais ko lang ipa batid ay sana…
Matuto tayong alamin kung sino tayo.
Kung ano at saan tayo nag mula.
Dahil ito ang kabuuan ng ating pagkatao.
Ang mga bagay na likas na sa atin ay hindi dapat ikinahihiya,
Binabago o tinatago…
Dahil baliktadin man ang mundo…
Dito tayo nagmula.
Dito tayo babalik.
PILIPINO TAYO.
Hindi Ito Entry Sa Wika 2007 Blog Writing Contest
August 18, 2007
Joke lang.
Huwag na tayong maglokohan. Sino bang sumali dito sa pakontes na ito nang dahil sa may nag-aalab na pagmamahal sa wika? Ikaw? Haha. Neknek mo. Kurutin mo na singit ko pero hindi mo pa rin ako mapapaniniwala. Sino ba naman kasi ang hindi gaganahang magsulat para sa kontes na ito kahit na mas masayang magpagulong-gulong sa napakalambot na kama at iipit sa hita ang mas malambot na unan sa panahong ito kung ang kapalit naman ng paghalukay (ube?) ng bokabularyo sa Filipino at pagdudugo ng ilong sa pagtatagni-tagni ng mga pangungusap ay tumataginting na limang libo at domain hosting. Parang napakasarap nga naman sa daliring pindutin ang mga titik na bumubuo sa akosimamangsorbetero.com. Kaso taghirap ang lolo niyo, kaya dito na lamang umaasa. Pero magseseryoso na ako. Nagnilay-nilay ako kung ano nga ba ang pakialam ko sa at pakialam sa akin ng Wikang Filipino. At naalala ko ang huling taon ko sa hayskul.
Nagkaroon kami ng editorial exam para sa Filipino schoolpaper. At dahil isa ako sa mga nakikipagtalbugan ng galing (YABANG!) sa pagsulat noon ay siyempre takbo ang sorbetero sa Journalism Room. Nakalimutan ko na kung tungkol sa anong paksa ‘yung pinasulat sa amin at kung ilan kaming kumuha. Kunwari na lang mahirap ang paksa, tulad ng kung paano magagamit ang mga recent discoveries tungkol sa DNA at RNA sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas at kunwari na rin sobrang dami as in libu-libo ang kumuha para itodo ko na ang pagyayabang dahil sa huli, ako rin ang naging punong patnugot. Aba, marunong palang gumanung lebel ang sorbetero.
Tulay
August 18, 2007
Matalik kong kaibigan si Gabby.
Matagal na ng huli kaming mag-usap ni Gabby. Masyado kasi siyang abala sa kanyang mga ginagawa sa opisina, palibhasa ay kaka-promote lang niya bilang supervisor sa kanilang kumpanya. Kaya naman ng magkaroon kami ng panahon, agad niya akong niyaya na mag-kape. Libre naman daw niya, kaya sumama agad ako. Sayang ang libre.
Me: Uy, kamusta ka naman? Bigtime ka na ha!
Gabby: Baliw! Haha! Eto, okay pa naman..
Si Gabby ay tubong Pangasinan, lumipat lang sila ng mga magulang niya dito sa Rizal para mas malapit siya sa kanyang pag-aaralan. Sa Pangasinan siya lumaki at nagbinata kaya naman hindi na nakakagulat kung magaling siyang mag-Panggalatok. Nakilala ko siya sa Angono, kung saan naging maging kapitbahay kami.
Gabby:O, ano balita mo kay Deanne?
Me: Hala! Naalala mo pa yun? Haha! Ayun, may jowa na yata yun. Ewan! Haha!
Si Deanne ay kaklase ko noong hayskul. Sa maniwala kayo o hinde, siya ang kauna-unahang babae na niligawan ko. Lagi namin napag-uusapan si Deanne kapag magkasama kami ni Gabby. Noong umaakyat kasi ako ng ligaw kina Deanne, siyempre.. nandun ang kanyang ama. Tubong Pangasinan din pala ang tatay ni Deanne, kaya siyempre.. para naman mapasikatan ko ama niya nagpaturo ako kay Gabby magsalita ng Panggalatok.
Gabby: Grabe ang effort mo nun. Kaso.. basted ka naman! WAHAHAHA!
Me: Ang yabang mo. At least, natuto akong mag-Panggalatok.
Sa aming kwentuhang iyon, napagtanto ko.. bagama’t hindi naging matagumpay ang panliligaw ko kay Deanne (mas gusto yata niya yung bad boy type) ay masaya naman ako at natuto akong magsambit ng ibang wika. Bukod sa nadagdagan ang aking kaalaman at intelektwal na kakayahan, ay lumawak pa ang saklaw kong audience. Mas madali na akong makisalamuha sa ibang tao dahil hindi na ako limitado sa iisang wika lamang. Kaya nga mas malaking advantage sa ating mga Pilipino ang pagiging multilingual.. mas madali tayong makipag-communicate sa ibang tao.
Ang komunikasyon, sa aking opinyon, ay isang mahalagang komponent para sa pagkakaisa ng isang bansa. Isa sa mabisang paraan ng pakikipag-communicate ay pakikipag-usap o ang paggamit ng ating wika. Mas madali kasi nating naire-relay ang ating mga ideas sa kapwa natin. Bagama’t mayroon tayong 170 kinikilalang wika, hindi ito naging hadlang para hindi magkaintindihan ang mga Pilipino.. sa halip, nagiging tulay pa nga ito para magkaisa ang mga magkakaiba.
Gabby: Ang galing nga e, dahil dun.. naging close tayo.
Me: Oo nga e! Kung hindi pala nangyari yun, wala akong bigtime na kaibigan na manlilibre sa akin palagi! HAHAHAHAHAHA!
Ngayon ko lang din naisip, WIKA rin pala ang naging tulay ng aming pagkakaibigan. Galing!
May Himig ang Abakada
August 18, 2007

Maraming wika,
biyaya ng kabihasnan,
sangkap-Pinoy na namumukod tangi.
Iba’t ibang panulat at pananalita,
pinagbuklod ng iisang kultura, damdamin at mithiing
para sa kapwa at sa Inang bansa.
ABAKADA- iyan ang isa sa mga salita na una kong natutunan noong nagsisimula pa lamang akong mag-aral. Sa katunayan, isang popular na libro ang naging una kong guro, ang dilaw na libro ng abakada.
Sa aking paglaki, unti-unti akong namulat sa iba pang wikang umusbong at yumabong sa Pilipinas. Dati rati, sa aking murang pag-iisip, nag-iisa lamang ang itinatangi kong Abakada, na wala nang iba pang wika ang nag-ugat, nagka-ugat, maririnig at mababasa sa ating bansa kundi ang Abakada. Laking gulat ko nang malaman kong humigit sa 100 ang wika natin sa bansa.
Naitanong ko tuloy sa aking sarili, “Ano naman ang magandang maidudulot nito sa aming bansa? Hindi ba’t mas magulo at mahirap magkainitindihan kapag napakarami nating wikang ginagamit at naririnig?”
Dumaan ang mga araw, napilas na ang mga buwan sa kalendaryo, nakailang palit na rin ng presidente ang Pilipinas, wala pa ring naging kasagutan sa mga katanungang minsang naglaro sa aking diwa. Hanggang sa nakalimutan ko na ang mga tanong. Binura na ito ng mga bago kong pinagkaabalahan ngayong lumaki ako, nagkaisip at nag kolehiyo.
Sa isang iglap, sa isang tik tak ng orasan at pagtaas ng usok sa himpapawid, mabilis na bumalik sa akin ang mga mumunting bagay na minsan nang naglaro sa aking isipan nuong bata pa ako. Sa tema ng Buwan ng Wika ngayong taon, nagbalik ang lahat. Ngayong mulat na ako at hindi lang Abakada ang alam na bigkasin, masumpungan ko na kaya ang kasagutan sa matagal ko nang katanungan?
Nagtanung tanong ako sa mga kaibigan, kaklase, guro, kasambahay pati na rin sa mga kasamahan ko sa simbahan. Napakunot ang noo nila sa tema na tinutukoy ko. Wala sila halos masabing kagandahan ng pagkakaroon ng maraming wika tungo sa matatag na bansa. Niratrat ako ng mga katanungan, “Paano naman mangyayari iyon?”, “Hindi ba’t contradicting ‘yun?” at marami pang katulad na katanungan. Hindi raw maganda ang maidudulot ng pagkakaroon ng maraming wika. Inilalagay lamang tayo nito sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan. Wala raw tayong magiging pagkakaisa bilang isang nasyon, nagkakaroon lamang daw ng pagbubukod bukod ng iba pang maliliit na nasyon sa Pilipinas tulad ng Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikolano, Bisaya, Waray, Tausug, Dumagat at marami pang iba. Tulad ng isang cold war sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano dulot ng magkaibang pananamplataya at nauwi sa pag kakanya kanya, ganito raw ang kasuklam suklam na dulot ng pagkakaroon ng maraming wika.
Tunay nga bang ganito lamang ang ating kahihinatnan sa paggamit ng maraming wika? Hindi ba ito ang magbibigay liwanag at gigising sa matagal nang pagkakahimbing ng ating bansa?
Mayaman ang ating bansa, sa likas na yaman, magagandang tanawin, mga mamamayang hitik sa talento at kasanayan. Iniwanan tayo ng ating mga ninuno ng isang malakas na sandata tungo sa mga laban na susuungin ng ating bayan. Walang dudang napakayaman ng ating kultura, isang bagay na dapat nating ipagmalaki. At ang pagkakaroon ng maraming wika ang isang unang manipestasyon ng pagkakaroon ng isang mayamang bansa.
Napakarami nating maaaring gamitin upang makabangon at muling kilalanin sa buong mundo bilang isang matatag na bansa. Tamang paggamit at nararapat na distribusyon ng yaman ang sagot sa matagal nang suliranin sa bansa. Walang kahirapan kung walang mga taong mapagsamantala. Nasaan na ang magagandang asal na minana natin sa ating mga ninuno? Kasabay ba itong nawala ng ating kumpiyansa na makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng maraming wikang ipinamana nila? Kung negatibo ang tingin natin sa lahat ng bagay at hindi susurii’t titignan ang kabilang anggulo ng mga ito tulad ng pagkakaroon ng maraming wika, hindi na ako magtataka kung bakit magulo ang takbo at usad pagong ang bansa natin sa ngayon.
Naalala ko tuloy ang sinabi ng aking guro na ang mga Amerikano at hindi tayong mga Pilipino ang pinakamahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa niya, ang mga Amerikano raw ang gumagamit ng wikang Ingles sa araw-araw nilang pamumuhay at sa kanila na ito nagmula at umunlad. Hindi natin masasabing mas mahusay ang isang foreigner na magsalita ng Tagalog kahit gaano pa siya kahusay. Ang katutubong wika ng bansa ang siyang puso ng mga mamamayan. Hindi sapat ang pagiging mas mahusay natin sa gramatika upang sabihing mas mahusay tayong gumamit ng wika nila.
Kung magkagayon, maaari rin nating sabihin na tayo higit sa ano pa mang lahi ang pinakamahusay na magsalita ng wikang Filipino kasama ang iba’t iba pang wika sa ating bansa. Tayo rin ang tanging makapagpapayaman nito. Tayo ang siyang dapat na nagmamahal dito, tayo ang siyang dapat na nagmamalasakit at umaaruga rito. Hindi sila, hindi sa kung sino pa man. Ikaw nga! Pinoy ka, hindi ba?
Minsan, kailangan lamang nating tumahimik, damhin ang dugong dumadaloy sa ating mga ugat, ang tibok ng puso, ang himaymay ng laman, dugong bayaning isinalin sa atin ng ating mga ninuno, isang mabunying lahi na tunay na maipagmamalaki. Gamit ang tangi nating lakas ng pagkakaroon ng mayamang kultura na pinatunayan ng pagkakaroon ng maraming wika, magsama sama tayo, kapit bisig, walang bibitaw sa iisa nating layuning ibangon at iluklok ang bansa sa iniwan nitong pedestal. Gamit ang maraming wika, pagyamanin natin ang sarili nating kakayahan, magsama sama ang maliliit na nasyon gamit ang kulturang minana sa ating mga ninuno. Tulad ng super regions na binabanggit ng ating pamahalaan, hikayatin natin ang bawat isa na paunlarin ang bawat yaman sa kani kaniyang lugar, pandayin ang yamang nakukubli ng mga hindi magagandang pangyayari at matapos nating mailabas ang tunay na kinang ng mga ito, pagsamasamahin natin ito gamit ang iisang damdaming makaalpas sa kahirapan dulot ng hindi pagkakaisa.
Iisang layunin, iisang hangarin. Maraming wika ngunit iisang tinig. May isang himig ang Abakada, tulad ng mga Abakada sa iba’t ibang wika ng bansa. Pagkakaisa, pagdadamayan, pagpapaunlad at pagpapanday sa yamang iniwan ng ating mga ninuno. Iyan ang himig na matagal ko nang hindi naririnig, himig na naging mailap sa aking pandinig. Hindi ang pagkakaroon ng maraming wika ang hadlang sa pag-unlad, bagkus isa ito sa makatutulong sa pag-abot sa ating mga pangarap. Iisa lamang ang ating kailangan, iisa lamang ang hinihingi ng tagumpay, tulad ng himig ng Abakada, pagsamasamahin natin ang ating mga tinig tungo sa iisang layunin, iisang damdamin. Magkaroon ng iisang puso, iisang Pilipino sa laban ng pagiging matatag na bansa.
Kaisa ba ng himig ng aking Abakada ang ibinubulong ng sa iyo? Magkaiba man sa titik at pananalita, alam kong iisang musika ang inaawit ng mga ito.
———————————————————————————————–

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Bakit Ba Hindi Ako Nag-Filipino Major?
August 18, 2007
Minsan kong naitanong iyan sa aking sarili matapos magturo sa mga batang napakahuhusay magsalita ng Ingles.
Wala! Tiklop ako at ang pagiging Communication Arts graduate ko. Muntik na nga yatang dumugo ang ilong ko sa kasasalita sa wikang hindi naman akin sa loob ng mahigit isang oras.
Bakit nga ba ako hindi nag-Filipino major?
Hindi ko kasi alam na may ganoon palang kurso. Marahil hindi ko na rin siya inurirat dahil naisip ko, Pinoy naman ako. Filipino major by birth, kung baga. Sapat na ang mga klase ko sa Filipino para malaman ang mga dapat kong malaman. Isa pa, araw araw naman akong nagta-Tagalog. Kundi pa ba naman ako mahasa noon, ewan ko na lang!
Yon nga lang. Nakalimutan ko ang isang glitch: malabnaw ang Tagalog na kinalakhan ko. Palibhasa sa Maynila na ako pinanganak at nagkamalay, corrupted Tagalog tuloy ang nakagisnan ko. Yun bang may halong salitang kanto, pop, at bakla. Puno rin ng salitang hiram na karamihan ay galing sa mga Kano.
Kaya naman kapag malalim na Tagalog na ang binabato sa akin, napapanganga na lamang ako. Hindi pa naman ganoon kadaling maghanap ng mapagkakatiwalaang diksyunaryong Filipino. Samantalang ang mga English dictionary ay naglipana at ika nga, “they come in all sizes.”
Dagdag pa pala sa nagpalabnaw sa Tagalog ko ay ang mga ligaw na salitang Cebuano sa aking bukabularyo. Bisaya kasi ang mommy ko. At kahit dugay na siya sa Manila, Bisayang-bisaya pa gihapon! [Kahit matagal na siya sa Manila, bisayang-bisaya pa rin talaga!]
Madalas, maski ako ay nalilito kung Tagalog nga ba o Cebuano ang ilan sa mga salitang alam ko. Bagaman dahilan ng pagkalito ko ang pagkakaroon dalawang dialekto sa aming bahay, hindi naman ako nagrereklamo. Ayos nga e! Bukod sa Tagalog, kasabot pa ako ug gamay na Bisaya [nakakaintindi pa ako ng kaunting Bisaya].
Noong tumuntong ako sa kolehiya at napasok sa Unibersidad ng Pilipinas, nagulat ang isa sa mga grupo sa klase ko nang minsang sumabat ako sa usapan Binisaya nila. May nagtanong tuloy, “Ngano man kasabot ka ug Bisaya? [Bakit nakakaintindi ka ng Bisaya?]”
Ang tanging sagot ko, “It’s a Jedi Trait!”
Kung iisipin, astig siya. Sino ba ang mag-aakala na ang Manila girl na kausap nila e nakakaintindi at minsa’y nakakasalita pa ng Cebuano? Heto nga’t naglipana na ang mga Bisaya dito sa Maynila. Kahit papaano, kaya kong makipag-usap sa kanila sa wikang malapit sa puso nila. At salamat sa Sesame Street, 11 taon sa isang private school, at ilang taon sa kolehiyo, pati mga puti ay kaya ko na ring kausapin! Kahit di ako katangkaran at may kaiklian ang mga biyas, mahaba naman ang kaya kong abutin dahil sa mga wikang alam ko.
Para mas madama ko pa ang pagiging isang certified polyglot o mas kilala ng marami sa tawag na multilinggwal, ipagmamalaki ko na rin ang anim na units ng Nihonggo na ipinasa ko noong kolehiyo. Kaya ko pa rin naman magsalita ng konting Hapon gaya ng atsui [mainit], itai [aray], sumimasen [excuse me], gomenasai [paumanhin], kudasai [pakiusap], at ilan pang mga bulol na pangungusap na pihadong maiintindihan naman ng mga singkit na medyo sakang. At dahil naaalala ko pa rin naman ang Hiragana at Katakana, mga alpabetong Hapon, nakakabasa pa rin ako ng mga sulat sa Nihonggo kahit na maliit na porsyento lamang ang naiintindihan ko. Kahit papaano, nalalaman ko kung ano ang mga pinagsasabi ng isang package na imported mula sa Japan at kung anu-anong pangalan ang pinapakita sa TV ng larong Naruto sa Playstation ng kapatid ko.
Kagaya ng mga sinasabi ng mga Bisayang nakausap ko, dili na mi mabaligya [hindi na ako mabebenta]. Sa kaunting naiintindihan ko, mahuhuli ko na kung sino ang nag-tritrip lang at kung sino ang tunay na matitinong kausap.
Maaari ko ring ipagyabang ang ilang pagbati sa iba’t iba pang lengwahe na natutunan ko noong bata pa ako. Nandyan yung sawa dee ka, kap koon ka, guttenmorgen, merci, kamsamida, añongaseyo, merhaba, tutche at iba pang salita na hindi ko alam ang tamang baybay at di ko na rin maalala kung saang bansa ginagamit. Kapag may makasalubong na lang ako na banyaga, pwede akong mag-trial and error para madiskubre kung papaano ko sila babatiin. At kung maka-binggo ako, dagdag puntos na iyon sa pinagmamamalaki nating Pinoy hospitality.
Ngunit sa bandang huli, isa pa rin ang hindi ko maitatanggi. Bano ako sa sarili kong wika. Nakakahiya man aminin pero heto ako, 27 taon nang nabubuhay at naninirahan sa Pilipinas pero nanghuhula pa rin pagdating sa tuntunin ng balarilang Filipino.
Nang makasalamuha ko ang mga batang Inglisera na muntik nang magpadugo sa ilong ko, nalungkot ako dahil sa aking napagtanto. Magagaling nga sila pero mukhang limitado lang talaga ang kaalaman nila sa wikang Filipino gayong karamihan sa kanila ay Pinoy at lahat sila ay kasalukuyang naninirahan dito sa Pilipinas. Kahit na sabihin ko pang mas ginagamit ko ang wikang Filipino kesa sa kanila, wala rin kaming pinagkaiba sa isa’t isa dahil pare-pareho naming napabayaan ang pambansang wika ng mga Pinoy dahil sa aming kagustuhang maging “globally competent“.
Wala namang masama sa pagpapakadalubhasa sa wikang bayaga. Ayos nga iyon dahil nadaragdagan ang kapangyarihan natin bilang Pinoy na pasukin ang kultura at kalakaran ng mga ibang lahi. Napakatalentado pa naman nating mga Pinoy pagdating sa panggagaya ng banyagang pananalita. Madali nating nagagaya ang accent ng kung anumang bansa ang ipagaya sa atin. Kaya naman patok na patok ang call center sa atin.
Sabi sa itinuro ng guro ko sa Filipino noong hayskul, “ang wika ang sumasalamin sa isang bansa.” Ang pambansa wika natin ay punung-puno ng implwensya ng iba’t ibang lahi na sumakop sa atin at pati na rin nga mga bansa nakipagkalakaran sa atin noon. Patunay lamang kung gaano kakulay ang ating bayan. Pinapakita rin ng ating wika ang ating kakayahang makipagsabayan sa mga makakapangyarihan bansa sa mundo. Kayang-kaya nating hubugin ang ating mga sarili para maging kasinggaling nila o higit pa.
Mahalaga lang talaga na pagkatapos nating hubarin ang mga hiram nating salita, alam natin kung papaano babalikan ang tunay na atin. Kung hindi na natin magawang maging kumportable sa sarili nating wika, paano na tayo? Sino na tayo? Para saan pa ang pagpapasikat natin sa mga banyaga?
Oo, maaaring tayu-tayong naninirahan sa 7,107 na isla ng Pilipinas ay madalas na di nagkakaintindihan. Ang dami kasi nating iba’t ibang dialekto! Pero kung alam natin kung sino tayo, kung ano ang nagbibigkis sa ating lahat, hindi tayo mabubuwag ninuman. At sa puntos na iyon, maipagmamalaki natin na ang mayaman nating wika ang nabubuhay na saksi sa katatagan ng atin pagiging Pinoy, Filipino major man o hindi.
* * *
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Pudra
August 18, 2007
My Official Entry To Pinoy Blogosphere Wika 2007 Blog Writing Contest About The Filipino Language.
Lumaki akong hindi ko nasilayan ang aking ama. isa kasi ako sa mga libo-libong bata na iniwan ng kanilang mga amang sundalong amerikano o sa pinasosyal na salita isa akong Amerasian. ngunit kahit ganunpaman hindi ako nagalit sa tatay ko ni hindi ko nga sya hinanap sa nanay ko.
Pano hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko rin alam pano ko itatanong sa nanay ko na parang wala lang ayoko kasi ng drama eh.
Naisip ko sana may wika para dun. kaya naman sabi ko sa sarili ko tsaka ko nalang itatanong sa nanay ko yan pag nahanap ko na ang mga tamang salita para diyan.lumaki akong kalkalero kalkal dito kalkal doon pero wag kayong mag-alala gamit lang namen ang kinakalkal ko mga lumang papeles,lumang litrato at kung anu-ano pa sa kabinet ni mama. pero ni isang sulat o litrato ng tatay ko wala naman akong nahahanap minsan tuloy naiisip ko chena lang yata si daddy eh.
Pitong Libong Pulo: Binigkis ng Iisang Wika
August 18, 2007
This is my official entry for Pinoy Blogosphere’s Wika 2007 Writing Project with the theme “Maraming Wika, Matatag na Bansa”.Original Entry at http://micamyx.i.ph/blogs/micamyx/2007/08/17/pitong-libong-pulo-binigkis-ng-iisang-wika/
———————————–
Isa sa mga katangi-tanging impormasyon ukol sa Perlas ng Silanganan ay ang pagkakaroon nito ng mahigit kumulang pitong libong pulo na nahahati sa iba’t ibang rehiyon at ang pagkakaroon ng bawat lalawigan ng kani-kanyang dialekto.
Noong ako’y nasa elementarya pa lamang, pinagdiriwang naming sa eskwelahan ang Buwan ng Wikang Filipino at ito na rin ang nagsisilbing pagbibigay-pugay ng mga estudyante sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Presidente Manuel L. Quezon. Siya ang dapat natin pasalamatan kung bakit meron tayong isang wika na ating ginagamit upang makihalubilo sa kapwa natin Pilipino. Sa buwan na ito natin pinagyayaman ang ating kaalaman tungkol sa ating kasaysayan at nauuuso din ang mga iba’t ibang patimpalak kung saan natin maipapakita ang ating tunay na kinagisnan ng ating mga ninuno.
Napagdebatihan din naming minsan sa aming klase kung isa nga bang hadlang ang dami ng dialekto ng ating bansa sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa ating bansa?
Kung ikaw ay isang taong dayuhan sa isang probinsya, malalaman mo ang pagkakaiba ng bawat taong naninirahan dito. Ang mga ilokano ay kilala sa pagiging matipid at pagiging masinop nito. Ang kanilang boses ay karaniwa’y malumanay ngunit parang mga reyna ng kidlat kung magalit. Ang mga batangueno naman ay tunay na malalakas na kitang-kita rin sa kanilang pananalita at sa mga produkto kung saan sila kilala. Ang mga taga-Pangasinan ay likas na masiyahin at matulungin ngunit iba kung ito’y masaktan. Ang dialekto ay sumasalamin din sa isang lugar.
Isa sa mga nagiging problema ng mga Pilipinong lumaki sa iba’t ibang probinsya ay nagkakaroon din ng mga hindi pagkakaunawaan dahil may mga salitang parehong nasa kanilang diksyonaryo ngunit magkakaiba ang kahulugan. Halimbawa na lamang ang salitang “Utot”. Sa mga sanay gumamit ng tagalog, ito ay ang hangin na lumalabas sa isang parte ng ating katawan na may kakaibang amoy. Sa mga ilokano, ito ay nangangahulugang daga. Basahin ang sumusunod na pangyayari:
Tagalog: Ang baho ng utot!
Ilocano: Utot? Nasaan ang utot?
Tagalog: Syempre hindi ito makikita
Ilocano: Bakit naman hindi yun makikita?
Tagalog: Kasi nasa hangin na
Ilocano: Ewan ko sayo niloloko mo ako!
Kahit ang salitang “bao” ay maaaring makapagumpisa ng hindi pagkakaintindihan. Sa tagalog, ito ay galing sa buko na ginagawang palaman. Sa mga Pangasinense, may halo na itong kabastusan.
Hindi lang sa pagkakatugma ng mga salita na magkaiba ang kahulugan tayo nagkakaproblema. Ang punto ay isa rin sa nakikitang problema. Tila hindi mo malaman kung galit nga ba o nagpapaliwanag lang ang isang tao tulad na lamang noong ako’y napunta sa isang lalawigan. Akala ko pinapagalitan ako noong jeepney driver yun pala likas na malalakas ang mga boses ng mga taga-roon.
Ang ilan sa ating mga kababayan na lumaki sa marangyang buhay ay sinasanay ng kanilang mga magulang na gumamit na lamang ng wikang ingles. Walang masama sa paggamit ng ingles dahil ito ang nagsisilbing medium para makausap natin ang mga banyaga mula sa ibang bansa, ngunit tama bang isantabi natin ang ating sariling wika? Tama ba na ni hindi alam ng ating mga anak kung ano ang pandiwa at pang-uri? Tama ba na wala man lang silang alam sa lalawigan kung saan sila nangngaling?
Sa aking sariling pananaw, ang pagkakaroon ng iba’t ibang dialekto ng isang bansa ay hindi hadlang kundi isang elemento para magkaisa ang ating bansa. Bakit? Dahil tayo ay binubuklod ng Wikang Filipino. Sapagkat dahil sa wika at mga dialekto ay nagkakaroon tayo ng interes para kilalanin pa ang isa’t isa. Ano kaya ang ibig sabihin ng ganitong salita sa kanila? Ano kaya ang kanilang ikinabubuhay? Ano kaya ang kanilang mga pinagmamalaking pasyalan? Sino kaya sa mga sikat na personalidad ang lumaki sa lugar na iyon? Ano ang alamat nila? Ano ang kanilang sinaunang kasuotan? Ang listahan ng mga katanungan ay nadaragdagan at ito ang rason kung bakit kahit na tayo’y magkakahiwalay, Ikaw, Ako, Tayo - ay karapat-dapat na tawaging PILIPINO.
Liham pasasalamat kay PILIPINO
August 18, 2007

—————————————————————————————————————————
Mahal kong Pilipinong WIKA,
A-BA-KA-DA ang una kong nabasa at naintindihan nong nasa grade school pa ako, don kita nakilala at naging A-B-C-D-E ng magturo sa akin ang teacher ko, don ko rin nakita si ENGLISH. Pagdating sa amin, “Mama, maayong hapon” - isang paggalang sa matatanda, nakilahok rin si BISAYA. nang naghighschool ako, lagi si ENGLISH ang kasama ko, ” Hello! Hi! How are you? I’m Mark and may i know your name?” pero ni minsan di ko nakalimutan ang amigo kung BISAYA. Ngayong, katatapos ko lang magkolehiyo at may trabaho na, marami narin akong natutunan at nakilala na mga WIKA. Nakichat narin sa akin si FRENCH, nagemail narin sa akin si SPANISH at nakipagusap narin sa akin si JAPANESE, marami pala kayong mga pamilyang WIKA no? At gusto kong malaman mo na dahil sa iyo eh, natanggap ako sa work ko ngayon bilang IT Technical Support. Sorry nga pala kasi minsan pag night shift ako eh puro si ENGLISH yong pinaglalabas ng bunganga ko. Pero ikaw lagi ang nasa puso at isipan ko.
At higit sa lahat pala, nagpapasalamat ako kung di dahil sa iyo at sa ibang kapatid mong WIKA na nameet ko eh di ako aasenso at maging matagumpay at matatag sa buhay. At dahil sa inyo, lalong aasenso ang bayan dahil sa pagasenso ng mga tao dito.
Salamat sa inyo lahat! lalo kana Pilipinong WIKA!
Nagmamahal,
Mark
—————————————————————————————————————————
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa“
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Silip sa Wika
August 17, 2007

Silip sa Wika
ni Raymund Salumbides
Isang malaking pribilehiyo para sa akin ang magsulat ukol sa tema ng selebrasyon ng Wika 2007 na “Maraming Wika, Matatag na Bansa” o “A gift of tongues for a strong nation”. Para sa akin, ang pagsusulat ng “blog entry” ay parang Wika. Ito’y dapat binibigyang-pansin dahil mahalaga ang nilalaman, ito’y dapat palaganapin dahil maraming impormasyon ang maibibigay nito sa atin at dapat natin itong panatilihin dahil maaari natin itong ipasa hanggang sa susunod na henerasyon.Base sa talumpati ni G. Ricardo Ma. Nolasco Ph.D, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang wika ay dapat maging sentro ng kapantasan sa literatura ng mga Pilipino. Ang wika ay dapat pagtibayin maging ito man ay ang wikang pambansa, katutubong wika o wikang pang-banyaga. Ang wika ay dapat itinuturo sa mga kabataan dahil may karapatan silang magkaroon ng kaalaman tungkol sa wika. Masasabi ko rin na ang wika ay mahalaga dahil ito ay para sa edukasyon ng ating mamamayan, pagkakakilanlan ng bansa, pakikipagdebate sa loob at labas ng bansa, sa pag-unlad ng ekonomiya at syempre, para sa ikagaganda ng midyum nating mga Pilipino. Ayon sa pag-aaral ko ng Filipino noong unang taon, sinasabi na ang wika ay pinipili at isinasa-ayos, ang wika ay arbitraryo, ang wika ay nakabatay sa kultura, ang wika ay makapangyarihan, ang wika ay may antas, ang wika ay may halong pulitika, ang wika ay buhay, at ang wika ay pantao
Alam natin na ang Pilipinas ay may humigit-kumulang 170 wika na bumabalot sa pitong libo isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig kahit na alam natin na halos lahat dito ay pawang mga dayalekto lamang. Sa ngayon, ang mga ito’y unti-unti nang napapabayaan dahil sa pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Philippine English. Isa pang kaalaman, maraming mga Pilipino ang hindi alam kung paano magsalita ng Tagalog dahil karamihan sa kanila ay hindi ito ang kinagisnang lenggwahe. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan, ang Filipino. Bawat isang tao sa buong mundo ay hindi lamang iisa ang alam na wika. Ito’y napatunayan ng ilang pag-aaral na ginawa ng mga dalubhasa sa wika. Isang magandang halimbawa ng taong dalubhasa sa wika ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Siya ay nakapagsasalita ng wikang Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga panlokal o katutubong wika ng Pilipinas.
Gaya ng sinabi ko, ang wika ay may kaantasan at ito’y nahahati sa 4 na parte:
Pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay malayang pinagsasama ang Ingles at Wikang Filipino.
- Kolokyalismong Karaniwan - Ginagamit na salita na may “Taglish”
- Kolokyalismong may Talino - Ginagamit sa loob ng Silid-Aralan/ Paaralan
Panlalawigan - Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal / Balbal - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao. Ito’y nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. (Salitang Kalye)
Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng Balarila at Retorika.
Isang magandang ideya ng pagpapaunlad ng 2 opisyal na wika ay ang gawing tulay ang lokal/katutubong wika upang matutuhan ang Inggles at Filipino. Ang paggamit ng wikang masama sa pandinig ng mga bata ay hindi makatutulong sa kanila dahil wala itong sapat na impormasyon na magsasabing ito’y makabubuti sa kanila at sa kanilang pag-aaral ng akademiks kundi, mas mapapasama lang sila.
Kapag ang isang tao ay nagsasalita ng Filipino at ang kausap nito’y nagsasalita ng Tagalog, sila ay marahil nagkakaintindihan. Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika ngunit para sa ibang tao, sila’y magkaiba. Kung ganon, sila’y nagsasalita ng iisang wika. Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay ang mga mapagpasyang batayan at katwiran ng wikang Filipino.
May mga nagsasabi na ang wika ay mapagpasya o mahirap desisyunan sa pagbubuo ng isang bansa pero bakit marami sa atin ang binabalewala lang ang mga ito? Pinapahayag nito na maraming Pilipino ang umaasa sa ibang tao kahit na alam nila na di lahat ay tutugon sa kanilang adhikain. At panghuli, gaya ng sinabi ni G. Ricardo Ma. Nolasco sa pahayag ng isang katutubong Amerikano tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay na kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang habampanahon.
*waKas*
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Si Bisoy, sa hamon ng maraming Wika
August 17, 2007
Nananalaytay sa kanyang dugo ang pagiging laking- Mindanao… Patuloy sya sa paglaki… Patuloy sa pag-unlad… Sa bawat araw ng kanyang paghinga, sa patuloy na pagtahak ng kanyang paglalakbay; ay tuloy sa paglawak ang kanyang kaalaman.
Noong sya’y musmos pa lang hanggang tumuntong sa eskwela, maraming nagbago sa kanyang isipan. Sa kanyang araw- araw na pakikisalamuha, sa pagkawalay nya sa pamilya at sa pakikipaglaban sa hamon ng buhay.
Mahalaga ang ambag ng wika sa kanyang pag-unlad. Sa kanyang lupang sinilangan, nakagisnan niya ang wikang Bernakyular. Sila na naituring na mga Bisaya. Hanggang sa pagtapak nya sa elementarya, unti-unti nyang natutunan ang salitang Tagalog. At nagiging bihasa sa Ingles nang nasa sekundarya at kolehiyo.
Sa tatlong wikang meron sya, sa anking kakayahang makisalamuha sa ibat-ibang tao, sa anumang sitwasyon; Malaya nyang naipapahayag ang sarili nyang saloobin, makipagpalitang- kuro at maghatid sa iba ng kaalaman.
Kakaiba sya sapagkat kaya nyang makipagsabayan sa anumang agos ng buhay.
Ang papel ng iba’t- ibang wika sa kanyang buhay ay patuloy sa pag-iba. Ang pagbabagong ito ay produkto ng lumalawak nyang kaisipan. Kasabay sa pagbabago na ito, nagbago ang paraan ng kanyang pamumuhay at ang kanyang kapaligiran.
Sa sobrang pagnanasang makipagsabayan sa lahat, dala na rin ng hindi pa ganap na kamalayan, hindi maitatangging malaki ang kontribusyon ng mga wikang meron sya. Ito ang gumabay sa kanyang tagumpay.
…At ito ang tunay na sukatan sa isang matatag na bansa sapagkat ito’y matatamo sa pagyaman at aktibong karunungan na nagsisimula sa kanya-kanyang karunungan ng ibat-ibang wika.
Hindi kailanman maitatangging nakasalalay sa maraming wika ang pagkakaintindihan ng mga Pinoy, anumang relihiyon on saanmang rehiyon. Hindi kailanman napupusyawan ang kahalagahan ng nakagisnang salita, ang wikang Bernakyular sapagkat dito ka namulat. Ang pagsasalita ng Tagalog ay higit na kailangan upang makipagpalitan ng pahayag saang panig ka man ng bansa. At ang wikang Ingles ay syang nagging daan upang makipagsabayan sa ibat- ibang panig ng mundo.
Pilipino, yaman din lamang na maraming wika meron tayo, ano pa ang hinihintay mo. Paunlarin nang husto ang ating bansa, sa pakipagsabayan sa mundo, para sa atin at sa mga susunod pang salinlahi.
Si Bisoy, isang halimbawa… Bisaya, laking- Pinas, isang nurse sa Canada; nagtagumpay.. Isang Pilipino…
Makabagong Teknolohiya, Pati Pag-ibig Napabilis Na
August 17, 2007
Sa panahon ngayon, napakabilis na talaga ng pag-ibg, lalo na sa mga kabataan. Bakit hinde? Makinig ka lang sa radio ngayon.. mga awitin ngayon talagang kahit ayaw mo pang mainlab, parang gusto mong mainlab, at masasabi mo pa habang nakikinig…”Hay..nakaka-inlove…” at ayun, parang gusto mo na ding mainlab. Wala naring pinagkaiba pagdating sa mga palabas sa telebisyon. Panay ang tema ay tungkol sa pag-ibig, lalo na sa pag-iibigan at pagkakaroon ng relasyon ng mga kabataan. Kaya tuloy, nakadaragdag ito ng malisya sa isipan ng mga tao. Ang tingin ng mga kabataan sa kapwa nila kabataan ay yaong bilang gustong maging kasintahan, hindi bilang kaibigan.
At sabay pa nito, ang pag-uso ng mga celphone, unlimited text. Kaya makita mo mga kabataan.. teks dito, teks doon. Napabilis na nito ang komunikasyon ng mga tao, at sa panahon ngayon ang mga iba’y ang panliligaw at pagiging nilang mgakasintahan ay sa teks nalang lahat. Napakabilis na ng pag-ibig. Ngunit kung gaano kabilis dumating ang pag-ibig sa mga kabataan, ganun din kabilis mawala. Ang dahilan, hindi kasi ito talagang tunay.
Ang mga iba’y umiibig (kuno) dahil lang sa itsura ng tao o di kaya’y sa pansarili nitong hangarin gaya ng para masabing siya’y may kasintahan na o maaring para matugunan lang ang kanyang pantasya.
Kay kayong mga kabataan, wag pairalin ang kapusukan ng inyong damdamin. Hindi ko naman sinasabing bawal ang magmahal ngunit wag sana kayong padala o pahulog sa mali at hindi totoong pagmamahal. Batid ko naming alam niyo ang syang tama at mali. Ang puso at ang isip ay dapat laging sabay nating gamitin sa lahat na atign mga gagawin at pagpili sa anong siyang tama.
Ano nga ba ang tunay na pag-ibig? Hayaan niyong sabihin ko sa inyo ang tunay nitong kahulugan.
Ang pag-ibig ay matyaga, at magandang loob, hindi mapagmataas, o nagmamapuri, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi ito kinatutuwa ang gawang masama, ngunti ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapatiwala, puno ng pag-asa at higit sa lahat, nagtya-tyaga hanggang wakas.
Wika at Musika
August 17, 2007
“Bahay kubo kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari…” Marahil ay inawit mo ang mga titik sa loob ng panipi sa halip na basahin ito. Ganyan nga ang wikang Filipino. Ito ay musika na kumukuliling at gumigising sa nahihimbing na kamalayan ng isang lahi. Sa pitong libo isaang daan at mahigit na isla sa ating bansa, tayo ay nabiyayaan ng isang daan at mahigit na wika. Kung ating iisipin, hindi lamang sa likas na yaman mayaman ang ating bansa kungdi maging sa mga katutubong lenggwahe rin. Narining mo na ba ang “Manang Biday” ng mga Ilokano? E ang “Ano Daw Idtong Sa Gogon” ng mga Bicolano? Aba, sigurado akong nadala kayo ng “Atin Cu Pung Singsing” ng mga Pampango. Iba-iba man ang dayalekto, nagkakaisa naman sa pagiging maka-Pilipino.
Marahil kayo ay nagtataka kung bakit ko iniuugnay ang ating wika sa musika. Sa panahon ngayon kung saan Ingles ang pangunahing wika na ginagamit sa buong mundo, hindi kataka-taka na mas piliin ng isang Pilipino na pagsunugan ng kilay ang wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino. Minsan akong kumain sa isang “fast food chain” kasama ang aking kaibigan. Sa aming likuran ay may grupo ng mag-aaral na nagkukwentuhan. “Have you heard about the concert of APO Hiking Society this Saturday? Man, I’m so eager to watch that concert.” Nagtataka ako kung bakit nag-Iingles ang mga estudyante samantalang sila ay nasa Pilipinas. Iniisip ko kung sila ba ay nagyayababang sapagkat matatas silang magsalita ng wikang banyaga o baka naman hindi lang talaga sila sanay sa ating wika. Kung titignan naman ang panlabas nilang kaanyuan, hindi sila nalalayo sa isang tunay na Pilipino. Ngunit ako ay nagulat sapagkat sa halip na pag-usapan ang mga bagay tungkol sa Kanluran ay mas pinili pa nilang talakayin ang tungkol sa nalalapit na pagtatanghal ng APO Hiking Society. Oo, isang banda na binubuo ng mga Pilipino na nagbibigay-aliw sa pamamagitan ng pag-awit ng mga kanta gamit ang sarili nating wika.Ganyan nga ang nais kong ipahiwatig sa unahan pa lamang ng sulating ito. Makapangyarihan ang wikang Filipino. Labis akong nagagalak sapagkat sa kasalukuyan ay mas nanaisin ng isang Kabataang Pilipino na tangkilikin ang ating musika kaysa sa musikang banyaga. Ang pagsulpot ng iba’t-ibang banda na ang iba pa nga ay nagbigay karangalan sa ating bansa ay siyang patunay ng ating pagpapahalaga sa sarili nating musika at wika. Hindi ba’t sa tuwing makakarinig tayo ng orihinal na musikang Filipino ay tila may kumukurot sa ating puso at kung minsan pa nga ay nagbibigay ito ng pag-asa sa bawat isa sa atin? Ganyan nga ang wikang Filipino. Pumapaindayog sa diwa ng sinumang makakarinig nito, tunay na maipagmamalaki saan mang sulok ng mundo.
“Hoy! Mas marami nga kaming wika, matatag naman kami!!!”
August 17, 2007

Nung una, para sa ‘kin, mukhang mali yata’ yung “Maraming wika, Matatag na Bansa”. Paano nga naman magiging matatag ang isang bansa kung sa dami ba naman ng wika nito, eh hindi na magkaintindihan ang mga tao rito. At matapos naman ang pahirapang pagpiga ko sa utak ko at pagpilit sa mga ka-eskwela kong intindihin ‘yung theme na ‘yon, nakuha ko na rin ang nais iparating ng theme ng buwan ng wika ngayong 2007. Pa’no nga ba magiging matatag ang Pilipinas sa pagkakaroon nito ng maraming wika?
Unang pumatak sa utak ko at sa ilang napagtanungan ko, ay ang pagkakaroon natin ng maraming wika, ay pagkakaroon din natin ng marami at iba’t-ibang kultura. Kung papansinin ang istraktura o ang itsura ng bansa sa mapa, mapapansing parang ibinuga lang ng karagatan ang Pilipinas dahil sa kalat-kalat nitong itsura. Ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga isla sa bansa ay isang dahilan kung bakit nagkaroon ng marami at ng iba’t-ibang wika ang Pilipinas. At ang pagkakaroon ng iba’t-ibang wika ang nagdudulot ng pagkakaroon din ng Pilipinas ng iba’t-iba at ng maraming kultura. Syempre, kung sinu-sino lamang ‘yung mga nagkakaintindihan ay sila-sila lamang din ang bubuo at ang lilikha ng sarili nilang mga tradisyon at kultura. Gets?
Kung mayaman tayo sa iba’t-ibang kultura na nakasabog sa buong kapuluan, ibig-sabihin n’yan, tataas ang turismo sa bansa. Sa dahilang iba’t-ibang kultura at tradisyon ang maaaring makita ng mga turista sa bawat kapuluan o lugar na nais nilang bisitahin sa bansa, maaaring tumaas ang turismo sa Pilipinas. At ‘pag tumaas ang turismo sa bansa, tataas din ang ekonomiya nito at dahil dyan kaya tatatag ang bansa. Kapag mataas ang ekonomiya ng bansa, kaya na nating makipag-karera sa ilan sa mga pinakamayamang bansa sa mundo tulad ng U.S.A., Japan, at South Korea…posible, kung patuloy nating susuportahan, pangangalagaan, at pahahalagahan ang ating wikang pambansa at ang iba’t-iba pang wika sa bansa.
Sumunod naman, sa kabila ng katotohanang marami at iba-iba nga ang mga wika sa Pilipinas, ay nagiging matatag pa rin tayo. Kung iba’t-iba ang wikang ibinibigkas ng mga dila ng mga tao sa isang bansa, paano nga naman magiging matatag ang bansang ‘yon kung sa wika pa lang eh hindi na sila nagkakaintindihan? Isang malinaw na halimbawa ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa tore ng Babel na pilit pinataas ng mga tao hanggang sa nagka-iba-iba na sila ng salita at hindi nagkaintindihan, sa huli, hindi rin natapos ang tore. Gayunpaman, nananatili pa ring matatag ang Pilipinas at pilit pa rin nitong itinatayo sa mundo ang sarili nitong bandila. At dahil sa pambansang wika natin, masasabi kong kahit na nagkakaiba-iba tayo sa wika, prinsipyo, at opinyon, nagkakaisa pa rin tayo sa iisang layuning makita ang sarili nating bansang maunlad.
Bilang konklusyon sa medyo maikli (maikli nga ba?) kong entry sa Wika2007, ang pagkakaroon ng Pilipinas ng maraming wika ay hindi lamang palamuti sa bansa na kayang ipagmalaki tulad ng “Hoy! Mas marami kaming wika!”, kundi, pwede ring “Hoy! Mas marami nga kaming wika, matatag naman kami!!!”.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Alitaptap.
August 17, 2007

Naisip kong sumulat sa Ingles pero pinigil ako ng hiya ko. Oo nga pala, susulat ako ng para sa Buwan ng Wika pero Ingles ang gagamitin ko. Sampal naman yata yun sa pambansang wika natin. Read more
Ang ‘Tag-ray’ at ang Wikang Pinoy!
August 17, 2007
Ipinanganak ako sa Catbalogan, Samar. Waray ang wika namin doon. Tubong Samar ang aking ama samantalang sa Leyte naman isinilang ang aking ina. Samakatuwid, purong Waray ako. Taong 1990, magtatatlong taong gulang pa lang ako noon nang magdesisyon ang aking mga magulang na manirahan dito sa Maynila. Nagtatrabaho kasi ang aking ama bilang isang seaman at magiging madali para sa amin ang makasama siya ng mas matagal kung dito sa siyudad kami titira. Hindi na niya kinakailangan pang lumuwas sa probinsya sa tuwing uuwi siya rito sa Pilipinas.
Naging mahirap para sa aming magkakapatid ang pagluwas dito. Kinamulatan namin ang wikang Waray. Pati mga kalaro namin noon ay ganito ang wika kaya ang paninirahan namin sa may Valenzuela ay naging mas mahirap. Nakakatawa ang mga una naming usapan dahil halo-halo ang mga salitang ginagamit ko noon. Nagpipilit akong managalog na ewan.
Ngayon, mahigit labin-limang taon mula nang lumipat kami sa Maynila, naririto na kami ngayon sa Bulacan. Kabaligtaran noon, ang Waray naman ang nahihirapan akong gamitin.
Marunong pa rin naman akong magwaray. Dito kasi sa bahay, Waray pa rin naman ang madalas naming gamitin. Pero hindi na ganoon kapulido ang pagsasalita ko nito. Marami pa nga sa mga kaibigan at kaanak ko ang kung minsa’y natatawa sa ilang salita ko dahil nagiging “Tag-ray” (pinaikling Tagalog-Waray) na raw ito.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring kultura. At mula rito, umusbong ang sari-saring mga wika na pinagyayaman ng kani-kanilang lahi. Sa kabila ng pandaigdigang panawagang globalisasyon na naghahayag sa wikang Ingles bilang pangunahing wika, hindi rin nito tuluyang nabasura ang ugat ng pagkakaisa ng lahing Pilipino. Bagkus, nakatulong pa nga ito upang maging maayos ang iba’t ibang bayan sa bansa.
Sa ngayon, naging tila kabute man ang pagsulpot ng mga call centers sa bansa na nangangailangan ng mga Pilipinong bihasa sa wikang Ingles, Espanyol, French, Mandarin at iba pa, damang-dama pa rin ang napakayaman nating mga wika. Mapapansin ding may iba-iba tayong paraan ng pagsasalita at ang diin nito na nakatutulong upang madali nating malaman kung saang bahagi siya ng bansa nanggaling.
Ang ating sariling mga wika, daigin man ng mga wika ng mauunlad na bansa at talikuran man ng mga kababayan natin upang mabayaran ng malaking halaga, hinding hindi nito mapapantayan ang kinang na idinulot nito upang buhayin ang lahing Pilipino. Kabayan, itaas mong Pilipino ka! Ipagmalaki mo!
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Theme: �Maraming Wika, Matatag na Bansa�
Sponsored by:
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Maraming Wika, mas marami ang mabahong isda!
August 17, 2007
Paumanhin sa mga na-offend ng naunang title.
Ano nga ba ang nagbubuklod-buklod sa mga mamamayan ng kapuluang ito? Hindi, ang relihiyong Katolisismo. Hindi, ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi, si Kris Aquino. Hindi, ang Wowowee. Hindi, ang balut. Hindi ang Team Pilipinas. Hindi, ang Wikang Filipino.
Ang Canaman, isa sa pinakamatandang parokya at bayan sa Bicol at may pinaka-purong diyalekto ng Bikol ayon sa isang Heswitang linggwista, ay nagdiriwang ng ika-408ng fyesta nito ngayon. Simula nung August 6, gabi-gabi ang programa sa aming plaza. Napaka-ironic ng mga programa. Wala gaanong pretty sa Pretty Boy. Iisa lang ang lumahok sa Miss Gay na mula sa Canaman at karamihan ay mula sa Naga City, may taga-Iriga City at Legazpi City pa. Kung gaano katagal nasundan ang Miss (nung 2003 yung huli) ganun din kahaba ang coronation night (dawn?) na inabot ng 6 na oras. Meron pang Little Lady of Assumption and Little Saint Roche, para naman sa mga bata, na inorganisa ng simbahan (asan ang irony dito?). Always present ang mayor para magbigay ng kanyang mensahe na iisa lang naman: Mahalaga para sa mga Canamanon ang pagiging isang komunidad, at ang “sense of community” ang nagbubuklod-buklod sa kanila noon pa man (kaya naman nung panahon ng mga Hapon, itinatag dito ang Tancong Vaca Guerilla Movement, isang hukbong bayan).
Walang maituturing na pagiging Filipino o isang Filipino bago ang taong naging ganap na bansa ang Pilipinas. Ang mga pulo ng Samar at Leyte lamang ang tinutukoy na Pilipinas sa panahon ni Ferdinand Magellan; mga kapuluan ng Luzon, Visayas, at bahagi ng Palawan at Mindanao sa panahon ng mga Kastila; at Katagalugan sa panahon ng kalayaan 1898. Ang buong kapuluan ay tinawag na Pilipinas sa mga panahon ng mga Hapon at Amerikano subalit naging makabuluhan lamang ang salitang Filipino bilang katawagan sa mga mamamayan ng buong kapuluan simula sa panahon ng kalayaan 1947 sa pamumuno ni Manuel L. Quezon, kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.
Bahagi ng paghahanda sa pagiging ganap na bansa mula sa isang Komonwelt patungo sa isang Republika, noong 1938, binuo ang National Language Institute na mag-aaral sa mga wika ng kapuluan upang pumili ng magiging batayan ng pambansang wika. Hinirang ang mga kinatawan: ng mga wika sa Samar-Leyte (chairman) at Panay, ng mga wika ng Muslim, at ng mga wikang Iluko, Sinugbuanong Bisaya, Bikol at Tagalog, ang piniling batayan kinalaunan. Naging ganap na pambansang wika ito makalipas ang dalawang taon at naging isa sa mga opisyal na wika kabilang ang Kastila at Ingles ng maging ganap na bansa ang Pilipinas o isang taon buhat ng maitatag ang United Nations.
- Binuo ang United Nations matapos ang World War II na may hangaring makisangkot sa hidwaan ng mga bansa upang maiwasan ang digmaan. Bagamat mayroon lamang itong 51 orihinal na myembrong bansa na may iba’t ibang wika, kultura at paniniwala (kabilang ang Pilipinas, Belarus, Ukraine at India na noon ay hindi ganap na malaya), lima ang opisyal na wika nito: Intsik, Ingles, Kastila, Pranses at Ruso (idinagdag ang Arabiko noong 1973 sumapi ang mga bansang nagsasalita nito).
Para sa bayang nagsisimulang tumayo sa sariling mga paa buhat sa pagkakalugmok ng halos apat na siglo ng pananakop ng mga dayuhan, ang pagkakapili ng iisang wika, ang katutubong wika ng mga Katipunero, mula sa mahigit 170 mga wika at diyalekto ay hindi naging magandang simulain upang pagbuklurin ang mga Filipino. Labin-isang taon ang nakalipas nang ipinakilala ang katawagang “Pilipino”, at labin-dalawang taon mula noon magpasahanggang ngayon ay “Filipino”, na tumutukoy sa pambansang wika na dahilan ng bahagyang pagtanggap dito.
- Ang India, may mamamayang umaabot sa 1.13 bilyon, ay may 415 wika at diyalekto. Labin-dalawa dito ay opisyal: Assamese/Asomiya, Bengali/Bangla, Bodo, Dogri, Gujahari, Hindi, Kannada, Kashmiri, Konkani, Maithili, Malayam, Manipuri, Marathi, Nepali, Oriya, Punjabi, Sanskrit, Santhali, Sindhi, Tamil, Telugu at Urdu. Ang South Africa naman, may 47 milyong mamamayan, ay may 24 wika at labing-isa nito ay opisyal: Afrikaans, English, Southern Ndebele, Northern Sotho, Sotho, Swati, Tsonga, Tswanan, Venda, Xhosa at Zulu. Samantala, ang United States na may mahigit 300 milyong populasyon at may 162 wika ay wala, 0 ang opisyal na wika.
Nais mang magsarili ng mga Filipino sa Cordillera at sa Muslim Mindanao subalit hindi dahil sa di-pagkakaroon ng pantay na estado ng kanilang mga wika (Maranao, Maguindanao, Tausog, Ibaloi, Kankanaey atbp.) sa wika ng mga katutubo sa Gitna at Timong Luzon (Tagalog sa anyong Filipino) kundi sa ibang kadahilanan. Ang hayagang pagtutol ng mga Cebuano sa pambansang wikang batay sa Tagalog o hindi naisasakatuparang katuturan ng Filipino ay malayong humantong sa pagsasarili nila.
Hindi isang malaking salik sa pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan o katatagan ng isang bansa ang wika (marami man o makaunti) bagkus ang kapayapaan, kaligtasan at kalayaang tinatamasa ng nila o nito.
Para sa Bikolanong Komisyuner:
Tagalog, Sugbuanon, Iluko, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray,
Kapampangan, Panggalatok, Kinaray-A,
Maguindanao, Maranao, Tausug - Maraming wika;
Matatag na bansa!
Para sa Bikolanong ako:
Isang wikang pambansa,
batay sa Tagalog na Pilipino,
ngayo’y Filipino;
Watak-watak na nasyon?
Para kay Jose Rizal:
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda!
Ako’y Isang Pinoy ni Florante at [ako]
Ako’y isang [Bikolanong] Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay [noon] sa wikang mga banyaga [magin sa wikang pambansa]
Ako’y [Bikolanong] Pinoy na mayroong sariling wika[ng Bikol]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaanSi Gat. Jose Rizal noo’y nagwika [circa late-1800s]
Siya ay nagpangaral sa ating bansa [o bayan, kolonya ng Espanya ang Pilipinas noon]
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika [Bikol para sa mga Bikolano, Sugboanon para sa mga Cebuano atbp.]
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda [isa itong figure of speech at/o fallacy]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Sanggunian: Wikipidia, Ethnologue, The World Fact Book, Tagalog 101, PC Planets at Youtube.
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Ang Ikalawang Tore ni Babel
August 17, 2007

Ang blog poste na ito ay kalahok sa writing contest para sa buwan ng wika na tinatawag na Wika 2007. Kung nagustuhan nyo ang aking gawa, sana ay iboto nya ito sa darating na voting period this coming August 20 to 25. Aasahan ko boto nyo a. Walang iwanan… O eto, isang daan piso para sa boto mo…
Ang Tore ni Babel
Siguro naman ay marami sa inyo ang nakakaalam ng istorya ng tore ni Babel. Ito ay isang kuwento mula sa Bibliya kung saan binalak ng mga sinaunang tao na maging kapantay ang Diyos sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang tore na abot hanggng langit.
Ayon sa kuwento, hindi nagustuhan ng Diyos ang balak ng mga tao kaya pinarusahan Niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagiiba ng mga wika ng lahat ng mga tao. Dahil dito, hindi nagkaintindihan ang mga tao at hindi na natapos yung tore. Nagbuklod-buklod ang mga may magkaka-parehong wika at ito ang nagmarka ng simula ng iba’t-ibang sibilisasyon na may kanya-kanyang sariling wika dito sa mundo.
Malamang iniisp ninyo na kathang isip lamang ang kuwento na ito. Marami nang eksperto ang nag-sayang ng kanilang mga oras at lakas para pagaralan kung totoo nga ba ang tore ni Babel ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nagwagi. Dahil dito, inasa nalang sa mga tao ang pagalam sa katotohanan: Kung papaniwalaan nila ang bibiliya o hindi.
Binalak kong alamin ang katotohanan tungkol dito sa pamamagitan ng pagreresearch sa internet, sa pagkonsulta sa mga manghuhula sa Quiapo, at sa pakikipagusap sa mga multo ng kahapon. Ngunit, tulad ng mga naunang nagbalak, ako rin ay nauwi sa pagkabigo.
Hindi ko man natuklasan ang katotohanan tungkol sa Tore ni Babel, meron naman akong natuklasan na isang nakakamanghang bagay. Ito ay tungkol sa ikalawang tore ni Babel na may kaparehong layunin tulad nung nauna. Oo, merong ikalawang tore, at ito ay itinayo sa may Pilipinas.
