Top Ten Reasons Why GMA Is Going to Visit the US, Vietnam, and Spain
GMA to visit US, Hanoi; eyes Spain – The Philippine Star
Dalawang buwan na lang at ihahalal na natin ang bagong pangulo ng Pilipinas. At ilang buwan pa pagkatapos noon siya ay manunungkulan na.
At kung walang aberyang mangyayari, si GMA ay bababa na sa pagkapangulo, ilang buwan na lang mula ngayon.
Kaya naman laking gulat ko na may pahabol na official business itong si GMA. Sabagay, ‘yung iba kailangan. Tulad ng pagpunta n’ya sa Vietnam para sa isang summit ng mga heads of state ng ASEAN. ‘Yung lakad n’ya sa US, eh, inimbitahan s’ya ni P’reng Barack, alangan namang hindian n’ya. At ‘yung sa Spain…wala pa raw maibigay na dahilan ang Malacañang.
Alangan nga namang sina Noli at Gibo ang kanyang papuntahin; hindi na nga sila pinapansin dito sa ‘Pinas, doon pa kaya sa abroad? Hindi naman n’ya pwedeng si Villar ang kanyang ipadala; hindi pa pwedeng ibulgar na secret candidate ni GMA si Manny. At lalong hindi pwede si Noynoy; i-snob-bin lang s’ya n’un.
Kaya, no other choice but her.
Pero, bakit nga ba siya aalis, ngayong paalis na s’ya sa pwesto? Eto, sa aking palagay, ang sampung dahilan kung bakit kailangan (gusto) pa n’yang maglakwatsa:
Reason Number 10
Hindi pa nakakapunta ng Spain si FG.
Reason Number 9
Naghahanap-hanap na s’ya kung saan s’ya pwedeng makahingi ng political asylum.
Reason Number 8
Sa Switzerland talaga ang punta n’ya; panggulo lang ang Spain.
Reason Number 7
Miss na n’ya ang pagkain sa ‘Le Cirque’.
Reason Number 6
Nawawala ang mga lumang pictures nila ni Obama.
Reason Number 5
Para wala s’ya sa bansa kung i-anuns’yo na ang kanyang napiling papalit kay Chief Justice Puno.
Reason Number 4
Mangangampanya talaga s’ya; baka ang mga OFW ang magpapataas ng rating ni Gibo.
Reason Number 3
Mangangampanya talaga s’ya; baka ang mga OFW ang magpapataas ng rating ni Manny. (Check!)
Reason Number 2
Titignan n’ya kung gaano kabilis ang pag-angat ng Vietnam, na malapit na tayong malampansan, pagkatapos ng siyam na taon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng ‘Pinas.
At ang Reason Number 1 kung bakit s’ya aalis:
Wala s’yang magawa sa kanyang pera…Teka! Teka! Teka! Pera natin ang gagamitin n’ya, ah! Parang mali. Parang hindi check.
So, ano nga ba ang dahilan at aalis pa s’ya ng bansa?
Source: Bulalo Soup for the Pinoy Soul
Beating the Odds — a book about President GMA
It's rare that I ever blog about anything that has to do with politics. I avoid political topics like the plague for many reasons which I will not go into now.Just this morning, I learned about this book entitled Beating the Odds. It's about how Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo formulated...
Source: Animetric's World
Kontra Gloria
N.B. – This will be published in the May 14-20, 2010 issue of Pinoy Weekly.
Gusto ko sanang gumawa ng bukas na liham para kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Kamakailan lang kasi ay naiproklama na siyang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa House of Representatives (HOR).
Hindi ko...
Source: Rising Sun
GMA’s Manicurist Now a Board Member of PAG-IBIG Fund, Gardener a Deputy, PoOf!
People at the Malacañang confirmed the reports that a manicurist of our dear and most loving President Gloria Arroyo has been appointed as a board member of PAG-IBIG Housing Fund making people wonder if they are to scratch their head or applaud the move.
American citizen Gary Olivar defended he appointment...
Source: Pinoy Sounding Board
Pambihirang pagkakataon
N.B. – This was published in the February 12-18, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/02/pambihirang-pagkakataon/.
Totoo kayang lahat ng bagay ay magkakaugnay?
Halimbawa, may kinalaman kaya ang pagpapalabas ng sikat na programang...
Source: Rising Sun
Good taxi drivers and bad taxi drivers
A while ago during daily 7pm news, there was a lot of news reports that was worth blogging but one of the many reports stood out as it is somehow related to me and my wife because I always remind her about a possible scenario where I prepare her on basic to do’s if such [...]...
Source: Greenoys Blog






