Nanghuli ng Palaka
I want to share something funny though it happened 3 months ago. hehehe
Last January 6, nagpunta ako sa isang store sa may LRT station para bumili ng pirated DVD (software collections), ako lang mag-isa nun kasi hindi sumabay yung friend ko. Pagkaalis ko sa store, habang inaayos ko ang sukli para sa coin purse ko, nabuksan ko na pala yung zipper nun at di ko namalayan na pabaliktad pala ang hawak ko, naglaglagan ang mga barya ko, nakakahiya tuloy. Buti na lang may lalake at yung tinderang pinagbilan ko ng DVD tinulungan akong pulutin yun. Hehehe Tapos naiirita pa ako sa salamin ko, di pa kasi ako sanay masyado. Sabi ko, “ang malas ko naman, nakakahiya naman yun, nakaka-strike one na ako ah!” Eh di dali-dali na akong umalis kasi baka mahirapan akong sumakay ng jeep, nung pababa na ako sa hagdanan ng LRT, nasa parang platform na ako, akala ko pantay pa rin yung daan. Bigla akong nadapa, talagang sigawan ang mga tao, “ay! Ay!” ganun ang mga sinabi nila. Talagang gumalabog ako doon. Hehehehe Unang tumama ang tuhod ko, may mamang lalake ang umalalay sa akin na tumayo (in fairness!) at nagpasalamat naman ako. Iika-ika ako sa paglalakad, masakit eh. Hehehehehe Nung una, parang naaawa ako sa sarili ko, ngayon natatawa na lang ako pagnaaalala ko yun. Hahahaha Nanghuli ako ng palaka sa LRT, akalain mo yun! =P






