“You hit me, I’ll hit you ten times over”, aka, Bakit Masarap Gumanti

Sabi nila, kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa yung isa pang pisngi.

Sabi nila, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Pero sabi ko, pag binuhusan ka ng tubig, buhusan mo rin ng tubig. Pero yung kumukulo.

Minsan talaga masarap gumanti, ano? Yung iparamdam mo sa tao kung ano yung ginagawa nila sa iyo.

Halimbawa, sinampal ka. Kumulo ng dugo mo, nagdilim ang paningin mo, at nagbaga ang dibdib mo. Sinampal mo ng mas malakas ang mahadera. Umamin ka. Iba yung amats na naramdaman mo nung humataw yung palad mo sa pisngi ng kasampalan mo, diba? Mahapdi, oo, pero may halong high. Kasabay ng paghampas mo ay ang paglukso ng puso mo na syang magdadala ng agos ng dugo sa utak mong nawawalan na ng tamang ulirat. Adrenaline rush.

Read more

Paghihiganti At Si Rico J. Puno

Last year, nasawi ako sa pag-ibig. Galit ako at magulo ang utak ko. Ewan ko ba kung anong masamang hangin ang pumasok sa mind ko at bigla kong tinext ang isang chatmate na matagal nang nangungulit. Sinabi ko sa kanya na willing na akong makipag SEB sa kanya. Nung nagkita kami ay sumakay kagad kami... 

Source:  Kuwento ni Maya

  . .