i kras yu!
Ang ikrasyu.net ay bukas na para sa mga gustong magpost ng entries, pero anu nga ba ang ikrasyu.net?
Ito ang pinilas na pahina ng notbuk mong lalamutakin at ibabato sa kanya. Ito ang palad mong namamawis na sa higpit ng pagkakasarado para ngalan niyang isinulat mo dito’y hindi makita ng iba. Ito ang tsoknat na iniiwan mo sa desk ng upuan niya para kanyang makita. Ito ang libro na ginuhitan mo ang mga letrang bubuo sa pangalan niya.
Sa ikrasyu.net, kung saan masasabi mo sa kanya ang iyong nadarama nang hindi nagpapakilala.






